Gillian Vicencio, pang-role play lang daw ang pagiging tomboy


Multo ang kauna-unahang role ni Gillian ever. Isa kasi pala siya sa 200 na nag-audition para sa multo character sa 2018 horror movie na Eerie na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Ms. Charo Santos-Concio at idinirek ni Mikhail Red. Nasundan agad ’yon ng isang bida role sa 2019 digital series na Kargo for iWant TFC. At ngayon nga, heto’t tumatatak ang pagganap niyang bilang si Tox sa 2 Good 2 Be True.

Photos: @_gillianvicencio / ABS-CBN Entertainment YouTube

Multo ang kauna-unahang role ni Gillian ever. Isa kasi pala siya sa 200 na nag-audition para sa multo character sa 2018 horror movie na Eerie na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Ms. Charo Santos-Concio at idinirek ni Mikhail Red. Nasundan agad ’yon ng isang bida role sa 2019 digital series na Kargo for iWant TFC. At ngayon nga, heto’t tumatatak ang pagganap niyang bilang si Tox sa 2 Good 2 Be True.

Miyembro nga ba ng LGBTQ+ community sa totoong buhay si Gillian Vicencio o mas kilala bilang si Tox na tropa nina Daniel Padilla, Yves Flores at Matt Evans sa Netflix TV series na 2 Good 2 Be True?

Effortless kasi ang pagganap ng aktres sa tomboyish character niya sa show kaya naman ito kaagad ang tanong ni Ogie Diaz sa kanya nang makapanayam niya ito para sa YouTube show niya na in-upload nitong Huwebes ng gabi, October 13.

Nakakaloka pinanonood ko lang ’to sa 2 Good 2 Be True, ang batang ito na bagong mukha pero mahusay umarte kaya naman ako’y nagka-interest sa kanya para malaman natin kung ano ang tunay niyang pagkatao,” panimula ni Ogie.

“Actually po kasi ako lang ’yung babae sa pamilya namin [at] gitna pa po ako kaya napaliligiran po ako ng mga lalaki,” paliwanag naman ni Gillian. “Tapos po nag-aral din ako sa St. Scho (Scholastica’s) nu’ng elementary ako, so, open po ako sa mga [lesbians]. May mga ideya po ako sa mga ganu’n,” say ni Gillian.

[All-girls’ school kasi ang St. Scholastica’s at real talk lang na talaga namang bahagi ng buhay ng mga nasa all-girls institutions ang either awakening ng kanilang gender identity o kaya naman ay explorations sa bagay na ito.]

“May ideya ka pero hindi ka open sa relationship?’ sundot ni Ogie.

“Hindi ko pa po naiisip, actually,” natatawang sagot ng dalaga.

Follow-up ni Ogie: “Hindi pa nangyayari na si Gillian ay na-in love o nagkaroon ng jowa na bahagi ng LGBTQ?”

“Hindi pa po…though s’yempre nagagandahan din naman ako sa mga babae,” sambit ni Gillian.

Tomboy ba si Gillian?

“Hindi po,” direktang sagot n’ya kay Ogie.

At dahil effortless nga ang pagganap ni Gillian bilang ang tomboyish na si Tox sa 2 Good 2 Be True, inaakala rin daw ng mga tao sa labas na ganu’n din siya off-cam.

“Natutuwa po ako, actually kasi ang dating po no’n sa akin ay nagagampanan ko nang maayos ’yung role ko,” saad niya. “Saka representation din po ’yun kahit papaano.

“Pero ’yun nga lang nagkakagusto rin pala siya [Tox] sa guys. Ganu’n na po kasi ako talaga gumalaw, magaslaw. May mga in-adjust po ako tulad ng boses na malalim at saka ang ganda ng dynamics nu’ng apat—kaming apat na Itlog [Daniel, Yves, at Matt]. Nakatulong po talaga sa akin na puro lalaki ang mga kasama ko na medyo nahahawa ako sa movements nila. Ino-obserbahan ko po kasi sila.”

Pawang mahuhusay ang mga kasama ni Gillian sa serye bukod kina Daniel tulad nina Kathryn Bernardo, Romnick Sarmenta, Irma Adlawan, May Joy Apostol, Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, at iba pa. At hamon daw sa kanya iyon na pag-igihan ang acting para hindi siya magmukang waley. 

“Sa isip-isip ko, paano ’to kasi ako po ’yung pinakabago do’n na cast, s’yempre hindi naman pupuwedeng magpapa-laylay ka [sa acting], di ba? So, dapat sumabay ka,” katwiran ng baguhang aktres.

Multo ang kauna-unahang role ni Gillian ever. Isa kasi pala siya sa 200 na nag-audition para sa multo character sa 2018 horror movie na Eerie na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Ms. Charo Santos-Concio at idinirek ni Mikhail Red.

Balik-tanaw niya: “Nag-aaral po ako sa UST [University of Sto. Tomas]. Doon na rin po ako nag-high school and then kinuha ko pong course was education. Tapos po nakilala ko ’yung professor… nagbebenta siya ng hoodies tapos may mga models siya. Tapos may sinend siya sa akin na [message na may] audition for Eerie.

“So, doon na po nagsimula [lahat]. Nag-try po ako tapos awa ng Diyos ako po ’yung napili sa Eerie bilang multo.

“After Eerie po, kinuha ako ng Star Magic tapos nag-launch po ang Star Magic Circle 2019. Tapos may binigay po sila sa akin na digital series na Kargo po ang title at first time ko rin ako ’yung lead.”

Ang suwerte ni Gillian dahil unless others na dumaan sa napakaraming hirap para mapasok sa showbiz, tila suwabe lang ang entrada niya. Ibig sabihin lang it’s meant to be. At dahil may ibubuga, mukang she’s also meant to stay.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency