Dahil nasanay sa pagtataray, Thea Tolentino, nangapa nang mabigyan ng mabait na role


Unusual ang mabait na role ngayon ni Thea Tolentino kumpara sa mga ginawa n’yang projects in the past ay natanong s’ya ng entertainment press sa naging media conference nila recently kung ano ang naging adjustment n’ya.Dito ay natatawang umamin ang Kapuso actress na medyo nangapa s’ya noong umpisa dahil mas nasanay umano s’ya bilang kontrabida sa mga nagdaan niyang teleserye.

PHOTOS: @theatolentino on Instagram

Unusual ang mabait na role ngayon ni Thea Tolentino kumpara sa mga ginawa n’yang projects in the past ay natanong s’ya ng entertainment press sa naging media conference nila recently kung ano ang naging adjustment n’ya.Dito ay natatawang umamin ang Kapuso actress na medyo nangapa s’ya noong umpisa dahil mas nasanay umano s’ya bilang kontrabida sa mga nagdaan niyang teleserye.

Natatawang umamin ang aktres na si Thea Tolentino na nanibago at na-challenge s’ya sa pagganap sa kanyang character sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Gaganap kasi s’ya sa upcoming teleserye bilang meek and mild na  si Dahlia Chua na isa sa apat na bidang karakter.

At dahil unusual ang role na ito for Thea kumpara sa mga ginawa n’yang projects in the past ay natanong s’ya ng entertainment press sa naging media conference nila recently kung ano ang naging adjustment n’ya. 

Dito ay natatawang umamin ang Kapuso actress na medyo nangapa s’ya noong umpisa dahil mas nasanay umano s’ya bilang kontrabida sa mga nagdaan niyang teleserye. 

Ang bait ko pala dito. Hindi ako sanay,” nakangiting pag-amin ni Thea sa press people matapos mapanood ang initial trailer ng Mano Po Legacy 3.

Understandable naman ito lalo pa’t nailinya s’ya sa mga matataray at palabang roles for the longest time.

Para sa akin po talaga, mas nahihirapan ako sa mga light na scenes, sa mabait na role. Mas at home po ako pag nagsusungit ako,” natatawang sabi pa n’ya na ikinatawa rin ng lahat.

Ilan nga sa mga teleserye kung saan s’ya naging kontrabida ay ang The Half Sisters (2014) with Barbie Forteza; Haplos (2017) with Sanya Lopez at Rocco Nacino; Asawa Ko, Karibal Ko (2018) kasama sina Kris Bernal at Rayver Cruz; at Madrasta (2019) with Arra San Agustin and Juancho Trivino.

At sa bagong shifting na ito, thankful daw s’ya sa paggabay ng mga direktor nilang, kabilang na ang creative director ng show na si Direk Joey Reyes dahil nanibago daw talaga s’ya noong first few days sa lock-in taping nila.

Nu’ng umpisa po medyo kinakapa ko pa kasi talagang mabait ’yong character ko. But with the help of the directors potalagang sinasabi nila sa akin, ‘Thea, mukha kang mataray dito. Tame it down,’” pagre-recall n’ya sa komento sa kanya ng mga direktor nila.

“Nagpapasalamat po talaga ako na gina-guide nila ako every scene until naging komportable na ako bilang isang mabait na karakter,” pagtatapos ni Thea. 

Makikipagtagisan sa aktingan ang aktres alongside her “half-sisters” na sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, at Angel Guardian. Mga magkakapatid kasi sa ama ang mga characters nila sa paparating na family drama series. 

Mapapanood ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters – na joint project ng Regal Entertainment at GMA Network – simula October 31 sa GMA Telebabad, kapalit ng What We Could Be nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at Yasser Marta.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency