Bela Padilla, hindi rin sang-ayon sa pagba-ban ng mga K-Dramas sa Pilipinas
-feature.jpg?v=1666365616)
PHOTOS: @bela on Instagram
Naglabas ng saloobin ang actress-writer and director na si Bela Padilla hinggil sa naiisip na panukalang ipa-ban umano ang pagpapalabas ng mga foreign shows, partikular na ang Korean drama series, sa bansa. Tutol daw s’ya dito pero hindi n’ya maiwasang ikumpara na malayong-malayo sa nakukuhang suporta ng Korean TV and movie industry mula sa kanilang gobyerno ang sitwasyon ng entertainment industry sa Pilipinas.
Naglabas ng kanyang saloobin ang actress-writer and director na si Bela Padilla tungkol sa estado ngayon ng TV and movie industry sa bansa.
Tila kasunod ito sa naging pahayag ni Senator Jinggoy Estrada sa budget hearing ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) last October 18 kung saan sinabi nitong napapaisip daw itong ipa-ban ang mga foreign TV shows sa Pilipinas, partikular na ang mga Korean dramas.
Nakakalimutan na daw kasi ng mga Filipino viewers na tangkilikin ang mga gawang-Pinoy pero todo-suporta naman sa mga foreign TV series. Malaki nga naman kasi ang epekto nito sa local TV and movie industry.
“Ang aking obserbasyon, pag patuloy tayo na nagpapalabas ng Korean telenovela, ang hinahangaan ng ating mga kababayan itong mga Koreano at nawawalan ng trabaho at kita ’yong ating mga artista, artistang Pilipino,” pahayag ng senador sa budget hearing.
“Kaya minsan, pumapasok sa aking isipan na i-ban na itong mga telenovela ng mga foreigners, na dapat ang mga artista nating Pilipino na talagang may galing sa pag-arte ay iyon naman talaga dapat ang ipalabas natin sa sarili nating bansa,” lahad pa n’ya.
Umani ng samu’t saring reaction mula sa netizens ang naiisip na panukalang ito ni Sen. Jinggoy.
Kabilang sa hindi sang-ayon sa naunang nabitawan ng senador ang Viva filmmaker and actress na si Bela na, incidentally, ay nasa South Korea ngayon para sa shooting ng ginagawa n’yang pelikula.
Ayon sa kanya, mataas ang production value ng mga TV shows na ginagawa sa Korea kumpara sa Pilipinas kaya naman tinatangkilik ito ng mga manonood.
“Pinapanuod ng mga Pilipino ang kdrama kasi ginagastusan at mataas ang production value ng mga palabas nila,” lahad ng aktres sa kanyang Twitter post ngayong araw, October 21.
“I’m currently in South Korea shooting a Filipino film and the difference of how they work is inspiring.”
Nalulungkot daw s’ya bilang manggagawa ng pelikula na malayong-malayo sa nakukuhang suporta ng Korean TV and movie industry mula sa kanilang gobyerno ang sitwasyon ng entertainment industry sa Pilipinas.
“I’m saddened as a filmmaker in the Philippines that we don’t get the same support, funding or help from our government. Even the production costs, working hours, talent fees of writers, directors and everybody involved in making a film is too far for us to even compare,” paghahambing ni Bela.
Pagtitiyak n’ya, kaya naman daw makipagsabayan talaga ng mga Pilipino kung talento ang pag-uusapan pero iyon nga lang, kapos lagi sa much needed support at budget.
“I agree that if we level the playing field and if filmmakers in the Philippines are given the same respect and support, we definitely could create world class content too,” may kumpiyansang saad n’ya.
Pero hindi naman umano masosolusyonan ang problema sa pamamagitan ng pagba-ban sa mga foreign shows.
“Sadly that isn’t the case. But to ban certain programs because their (sic) doing better than us is such a petty move.
“Be happy for others and learn from their success. Kaya siguro tayo hindi masyadong umaasenso, pinupuna kasi natin ang mga taong masaya. Nakakahiya,” malamang sabi pa ni Bela.
Samantala, nilinaw na si Sen. Jinggoy nitong October 19 ang kanyang mga naging pahayag. Frustrated lang daw s’ya sa lagay ng TV and movie industry ng bansa habang todo suporta ang mga Pinoy fans sa mga gawa sa Korea.
Pagtutuwid pa n’ya, hindi daw s’ya tutol sa pagpapalabas ng mga Korean drama series sa bansa, bagkus ay nananawagan lang na sana ay suportahan din ng publiko ang mga pelikula at mga teleserye na gawang Pinoy.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment