Akihiro Blanco opens a new chapter of his showbiz career with Viva; gustong maka-reunite ang dating naka-loveteam na si Donnalyn Bartolome


Happy-go-lucky ang description ni Akihiro Blanco sa sarili bago nag-showbiz. Puro e-sports at physical sports daw ang laman ng utak niya. But nang makasali sa Artista Academy noong 2012, nagbago raw ang pananaw niya sa buhay. “’Yong sinalihan kong contest is reality show po, e. Talagang busy kami. Everyday ’yon, parang straight kami [kung mag-taping]. So, doon na ako nag-start sa Artista Academy hanggang sa matapos and nagtuloy-tuloy na ’yong work ko… “Nang tumagal nang tumagal, after ng Artista Aademy, doon ko na minahal ’yong craft na ’to, ’yong mundo ng showbiz, ’yong pagiging actor... ayon, sobrang passion ko na s’ya,” lahad pa ng Filipino-Japanese actor.

PHOTOS: @akiblanco on Instagram

Happy-go-lucky ang description ni Akihiro Blanco sa sarili bago nag-showbiz. Puro e-sports at physical sports daw ang laman ng utak niya. But nang makasali sa Artista Academy noong 2012, nagbago raw ang pananaw niya sa buhay. “’Yong sinalihan kong contest is reality show po, e. Talagang busy kami. Everyday ’yon, parang straight kami [kung mag-taping]. So, doon na ako nag-start sa Artista Academy hanggang sa matapos and nagtuloy-tuloy na ’yong work ko… “Nang tumagal nang tumagal, after ng Artista Aademy, doon ko na minahal ’yong craft na ’to, ’yong mundo ng showbiz, ’yong pagiging actor… ayon, sobrang passion ko na s’ya,” lahad pa ng Filipino-Japanese actor.

Hindi raw pala pinangarap ng aktor na si Akihiro Blanco na maging artista at pumasok sa showbiz before.

Iyan ang inilahad n’ya sa recent exclusive interview n’ya with pikapika.ph right after his contract signing sa Viva. 

Dito ay napa-throwback nang slight ang newest Viva artist sa kanyang humble beginning sa entertainment industry. 

PHOTO: @akiblanco on Instagram

Kuwento ni Akihiro, sinubukan lang daw n’yang sumali noon sa talent and reality show ng TV5, ang Artista Academy (2012), kahit na mahiyain umano s’ya. Pinalad naman s’yang makapasok doon at napabilang pa sa Final 6 ng kompetisyon.

[Ang naging celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert ang grand winners ng nasabing reality show].

Nung una tina-try ko lang pero wala pa akong sobrang kumpiyansa. Nahihiya pa ako noon, e. Parang hindi pa ako ready nu’ng time na ’yon. Pero kung nandoon ka, wala ka na magagawa, e. Kailangan mo na lang galingan,” pagbabalik-tanaw ni Aki. 

Na-develop na lang daw sa kanya ang pagmamahal sa pag-arte at kagustuhang maging artista noong natapos na ang pinanggalingan n’yang reality show. 

Nang tumagal nang tumagal, after ng Artista Aademy, doon ko na minahal ’yong craft na ’to, ’yong mundo ng showbiz, ’yong pagiging actor… ayon, sobrang passion ko na s’ya,” lahad pa ng Filipino-Japanese actor.

Bago daw kasi s’ya mapadpad sa showbiz ay isa lang daw s’yang ordinaryong estudyante na mahilig sa online games at basketball.

Sa sports talaga ako… Work out, laro, play station, mga video games. ’Yon ’yong 16 years old na Aki. ’Yan ’yong pinagkaka-abalahan ko… e-sports and sports na physical,” pag-amin ng aktor. 

PHOTO: @akiblanco on Instagram

However, nabago daw naman ang kanyang pananaw sa buhay dahil sa pagsali n’ya sa Artista Academy. 

Parang happy-go-lucky lang [dati]. Na-stop lang kasi ’yong sinalihan kong contest is reality show po, e. Talagang busy kami. Everyday ’yon, parang straight kami [kung mag-taping]. So, doon na ako nag-start sa Artista Academy hanggang sa matapos and nagtuloy-tuloy na ’yong work ko,” lahad n’ya.

Dahil sa nangyari ay napamahal s’ya sa pag-aartista at naisantabi na muna ang kanyang pag-aaral.

Hindi na [natapos ang studies] pero baka kumuha ako [ng course] after ng lahat ng pinagkaka-abalahan ko at saka ayon, tina-take ko lang talaga ’yong chance kasi once-in-a-lifetime ito. Ayon po, kaya nagtuloy tuloy.” 

At makalipas nga ang sampung taon n’ya sa showbiz ay masasabi n’yang masaya s’ya sa path na kanyang pinili. 

“I’m happy for the past 10 years. Para po sa akin… lahat po kasi ng mga ginawa ko talagang hindi lang 50 percent. Tinodo ko talaga, 100 percent sa lahat ng ginawa ko so I’m very proud sa mga ginawa kong movies, kahit mga series lang or episodes. Lahat ’yon, ano sa akin ’yon, milestone ’yon sa career ko,” pagmamalaki ni Akihiro.

Kung may pinaka-proud nga daw s’ya sa lahat ng kanyang projects, ito daw ang Born Beautiful (2019) at Immaculada: Pag-ibig ng Isang Ina (2019), na incidentally ay itinuturing n’ya rin na pinakamahirap sa lahat ng kanyang ginawa.

PHOTO: @akiblanco on Instagram

“For me Born Beautiful and Immaculada… Immaculada kasi ang character ko roon, may incest, e. Sa mom ’yon...about mom ’yon and son n’ya ako. So, medyo mahirap ’yon. Very challenging ’yon kasi may nangyayari sa amin doon sa movie na ’yon,” paglalarawan n’ya.

Tapos sa Born Beautiful naman with Martin [del Rosario]… first time ko magkaroon ng BL [Boy’s Love] movie. So, mahirap sa akin kasi ang challenge doon, kailangan i-portray ni Martin na babae s’ya tapos ako lalaki and may nangyayari sa love story namin dalawa,” he added.

Bukod pa doon, kahit na busy sa paggawa ng pelikula at mga episodes sa mga TV programs gaya ng Malaala Mo Kaya (MMK), Tadhana, at Wish Ko Lang, ay naisingit pa ni Akihiro ang pagtatayo ng negosyo sa home city n’ya sa Pasig. 

Nag-start ako mag-open ng business. Nag-coffee shop ako and ibang business like Anytime Cleaners, ano ’yon, parang cleaning services s’ya. And then, naggawa kami ng bar, sa Pasig din, Locale ’yong name,” aniya. 

At ngayong nasa Viva na si Akihiro ay nausisa namin s’ya kung magtutuloy-tuloy na ba s’ya sa pagpapa-sexy sa pelikula.

“’Yong ngayon po kasi, ’yong napag-usapan namin dito parang ibang direksyon, ibang path. Doon muna nila ako [ilalagay],” pagbabahagi n’ya.

“And ako, for me po, marami na rin po kasing mga independent film before na talagang naghubad na ako, nakipag-ano na ako sa mga ibat ibang characters, ngayon parang gusto ko po muna… for me, gusto ko muna bumalik sa mga love story, mga romantic comedy.”

PHOTO: @akiblanco on Instagram

Kung mabibigyan daw s’ya ng chance ay gusto n’ya uling maka-trabaho si Donnalyn Bartolome na nakatambal n’ya noon sa telemovie’ng Frenemies in Love ng Sari Sari TV noong 2016.

Gusto kong makapag-reunite kay Donnalyn kasi naka-love team ko na s’ya before and sobrang good friend ko s’ya, si Donnalyn. Gusto ko ulit s’yang maka-tandem. Ayon, nakaka-miss din kasi. Isa rin talaga s’yang impluwensya [kaya ako napunta] dito sa Viva,” pagtatapos n’ya. 

Congratulations, Akihiro!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency