Skusta Clee sa sinumang mambabastos sa kanya habang nagpe-perform: ”May lilipad na mic sa mukha mo pag nagkataon.”

PHOTOS: @hoodboycleezy on Instagram
Hindi naman daw naramdaman ng rapper-singer na si Skusta Clee na mabastos ng audience sa Hiraya Hiraya Music Festival sa Camarines Sur. Ganu’n pa man, nagbanta s’ya sa sinuman na magtatangkang mambastos sa kanya habang nasa kalagitnaan s’ya ng kanyang performance.
Muling nabastos ang rapper-singer, songwriter, and record producer na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang “Skusta Clee” nang mag-perform s’ya sa Hiraya Music Festival sa Camarines Sur nitong September 24.
May mga lumabas kasi na video na kuha mula sa audience area kung saan makikitang may ilan na nag-middle finger sign sa kanya habang kumakanta s’ya onstage.
Sa iba pang video, makikita naman na tinanong n’ya ang mga pumunta sa music fest kung may kinikimkim bang galit ang mga ito sa kanya.
“Lasing na kayo? Gusto n’yo pa ba akong kumanta o galit kayo sa akin?” diretsahang tanong n’ya sa audience.
Matapos ang event ay nag-post sa Facebook si Skusta na tila pahaging sa mga sinasabing nambastos sa kanya sa habang s’ya ay nasa stage.
“Hindi toxic mga fans ko.. mga palamunin lang mga galit sakin. Hinding hindi ko tuturuan mang-hate sila ng tao. MUSIC LANG!” patama ni Skusta sa kanyang mga detractors.
To the rescue pa sa rapper-singer ang supporter n’ya na “Rapper sa Pinas” last September 25 at nanawagan ito ng respeto sa kanya bilang isang artist.
Ipinunto pa nito na dapat ay ihiwalay ng audience ang isyu sa personal life ni Skusta sa pagiging mang-aawit n’ya.
“Di naman sa pinagtatanggol ko to. Kapag ganyan dapat labas natin yung issue dyan. Binayaran yan para mag perform hindi para bastusin nyo,” pahayag ng Rapper sa Pinas sa kanyang FB page kalakip ang photo ni Skuta habang nasa stage.
“Kung dimo gusto edi wag ka manuod . Respetuhin natin ang mga artist. Talento yung binayaran dyan hindi yung kung ano man. Wala namang pilitan kung ayaw manuod eh.
“Tsaka saka kana manghusta kung hindi kapa nakakagawa ng pagkakamali at perpekto ka. Dun lang tayo sa katotohanan.”
Shinare naman ito ni Skusta sa kanyang FB page at nilinaw na hindi naman daw talaga s’ya nabastos sa music fest.
Nagbanta rin s’ya sa sinumang magtatangka na mambatos sa kanya habang nasa kalagitnaan s’ya ng kanyang performance.
“Hindi ako nabastos! Saya kaya namin!” pagtutuwid n’ya.
“Saka di uubra sakin bastusin ako kasi may lilipad na mic sa mukha mo pag nagkataon,” warning pa ni Skusta.
Hindi ito ang unang pagkakataon na napaulat na nabastos si Skusta habang nagpe-perform sa stage. Matatandaan na umani rin s’ya ng “boo” at “cheater” chant mula sa audience noong kumanta s’ya sa Aurora Music Festival sa Clark, Pampanga nitong nakaraang Hunyo.
Nag-ugat ang galit na ito sa kanya ng fans sa kontrobersyal na hiwalayaan nila ng vlogger and social media influencer na si Zeinab Harake at third party umano ang dahilan.
YOU MAY ALSO LIKE:
Zeinab Harake is Beautéderm’s official oral care ambassador
Zeinab Harake and Wilbert Ross together again in new music video
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment