Kobe Paras at Erika Portunak, nag-unfollow-han sa Instagram; break na nga ba?
PHOTOS: @erikarae.p on Instagram
Matatandaan na naging maingay ang pangalan nina Kobe at Erika sa social media nitong nakalipas na Hunyo dahil sa pagpo-post nila ng series of photos ng kanilang bakasyon sa Bali, Indonesia kung saan makikitang cozy and sweet sila sa isa’t isa. Wala man silang direktang pag-amin that time, ipinagpalagay na ng netizens na meron silang relasyon. Three months after, sa un-follow stage humantong ang dalawa.
Mainit na pinag-uusapan ngayon ang di umano’y hiwalayan ng basketball star na si Kobe Paras at singer na si Erika Rae Portunak, ang eldest daughter ng aktres na si Ina Raymundo.
Napansin kasi ng netizens ang pag-a-unfollow ng dalawa sa Instagram account ng isa’t isa kaya naman umugong ang espikulasyon na nauwi na sa hiwalayan ang tatlong buwan pa lang nilang relasyon.
Sa panahon kasi ngayon, ang pag-a-unfollow sa Instagram ng mga celebrity couples and friends ang patalantadaan ng publiko sa breakup, natapos na relasyon, o kaya naman ay nasirang pagkakaibigan.
Bukod sa pag-a-unfollow, burado na rin sa IG account ni Erika ang photos nila ni Kobe. Deleted na rin ang lahat ng photos nila sa account ng basketball player.
Matatandaan na naging maingay ang pangalan nina Kobe at Erika sa social media nitong nakalipas na Hunyo dahil sa pagpo-post nila ng series of photos ng kanilang bakasyon sa Bali, Indonesia kung saan makikitang cozy and sweet sila sa isa’t isa.
Wala man silang direktang pag-amin that time, ipinagpalagay na ng netizens na meron silang relasyon.
Anyway, as of this writing ay wala pa ring pahayag ang kampo ni Kobe at ni Erika sa panibagong isyu na ito tungkol sa kanila.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika’s Pick: Kobe Paras teaches younger brother Yohan how to play basketball
Yassi Pressman, Issa Pressman, at Kobe Paras, nag-fan mode kay Chris Pratt sa Los Angeles
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment