As talk-show host, Gladys Reyes, pangarap ding malaman ang tunay na estado ng relasyong Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero


Sixteen years na palang hino-host ni Gladys ang kanyang Net 25 show na Moments. At bagama’t aminadong marami pang kakaining bigas bago makahanay sa mga beteranong hosts, marami na rin naman daw siyang natutunan sa larangan ng hosting over 16 years. “Aminado ako before, dahil sa sobrang daldal ko, parang mas ako ’yung guest. Hahaha! ’Yung ganyan, nagsasalita ang guest pero dahil hyper ako, gusto ko agad magtanong ng follow-up. “Pero s’yempre, over time, natutunan kong makinig din, ano. Listening, not just talking.”

Photos: Net25, @escuderochiz

Sixteen years na palang hino-host ni Gladys ang kanyang Net 25 show na Moments. At bagama’t aminadong marami pang kakaining bigas bago makahanay sa mga beteranong hosts, marami na rin naman daw siyang natutunan sa larangan ng hosting over 16 years. “Aminado ako before, dahil sa sobrang daldal ko, parang mas ako ’yung guest. Hahaha! ’Yung ganyan, nagsasalita ang guest pero dahil hyper ako, gusto ko agad magtanong ng follow-up. “Pero s’yempre, over time, natutunan kong makinig din, ano. Listening, not just talking.”

Pangarap pala ni Gladys Reyes na makapanayam si Heart Evangelista para alamin kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon ng asawang si Senator Chiz Escudeto.

Sa nakaraang launching ng mga bago at reinvigorated existing na programa ng NET25 na produced ng Eagle Broadcasting Corporation, kabilang ang Moments talk show ni Gladys Reyes.

In the said event, nabanggit ni Gladys na wish pala niyang magkaroon ng chance na makapanayam niya ang fashion icon na si Heart para matapos na ang mga tanong ng publiko. At kung hindi raw kalabisan ay type din niyang maka-face-to-face Interview si Sen. Chiz.

“Parang naiisip ko na tuloy ’yung concept namin pag nag-guest siya, ‘yung parang mag-aawra-awra kaming ganyan! Ha-hahaha! Para masaya rin,” panimulang tsika ni Gladys.

At s’yempre ang itatanong daw niya: “Gusto ko lang magpakatotoo! Siyempre pati ako curious, di ba? Hindi naman sa nagiging ano (Marites) tayo, pero s’yempre, alam mo isa po ’yun, ’no?”

At aniya pa, hindi raw uso sa kanya ang script kapag nagi-interview.

“Share ko lang, most of my interviews sa Moments lalo na noong kino-co-prod ko, wala akong script diyan. Kapag may iniinterbyu ako na mga personalidad, ganyan… ako po kasi, nandu’n ako sa, ‘Ano ba ang gustong malaman ng tao?’

“Sa akin po, ganu’n, e. ‘Yung kung ako ang nanonood nitong interbyu ni Gladys at saka halimbawa kung sino man po ’yung guest niya, ‘Ano ang gustong itanong ng nanonood?’ 

“Yun po ang mas sinusundan ko, ’yung ganu’n. Kasi, interesado ako, e, kung ano ’yung gustong malaman din ng mga tao.

“Kaya hindi ako nagbe-base usually po sa script. Hindi scripted ’yung mga tanong ko. Usually, ’yung follow-up questions kapag meron siyang na-open na, ‘Uy, very interesting ’yun! Magpa-follow up ako.’

“So, ’yun din po ang isa sa siguro kaya nag-train din ako talaga nang husto sa Moments na mag-host. Of course, ang dami ko pang kakaining bigas du’n sa mga napakahuhusay po sa larangan ng pagho-host.”

Sixteen years na palang hino-host ni Gladys ang kanyang Net 25 show na Moments. At bagama’t aminadong marami pang kakaining bigas bago makahanay sa mga beteranong hosts, marami na rin naman daw siyang natutunan sa larangan ng hosting over 16 years.

“Aminado ako before, dahil sa sobrang daldal ko, parang mas ako ’yung guest. Hahaha! ’Yung ganyan, nagsasalita ang guest pero dahil hyper ako, gusto ko agad magtanong ng follow-up,” natatawang tsika ni Gladys.

“Pero s’yempre, over time, natutunan kong makinig din, ano. Listening, not just talking. So, ’yun po siguro ang masasabi ko na natutunan ko dito sa pagho-host.”

Samantala, isa daw sa mga hinding-hindi malilimutan ni Gladys among her interviews sa malalaking personalidad ay ’yong President BBM (Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.).

“Although that was I think 2018, ano? Hindi pa siya president s’yempre pero kasi po, ’yun ang natutuwa ako, ’yung naikuwento niya talaga, paano sila nagkakilala ni Ma’am Liza (Araneta-Marcos) di ba?

“Tapos maririnig mo talaga ’yung genuine tawa. ’Yung puro tawa siya sa mga kuwento niya na nakalimutan niya ’yung pambayad sa date nila. ’Yung mga ganu’n. 

“Kasi, ’yun nga po talaga ang goal ko sa Moments, ano? Mailabas talaga ’yung mga nakakatuwa at nakakatawang mga pangyayari sa buhay nila na hindi alam talaga ng karamihan, ano?

Unforgettable din daw ang mga interviews niya sa mga tinitingala niyang kapwa artista gaya Vilma Santos, Maricel Soriano, at BFF na si Judy Ann Santos-Agoncillo.

“And of course, s’yempre always memorable sa akin si Ate Vi [Vilma Santos]. Twice na po siyang nag-guest sa Moments.

“And I’m looking forward for our third. Kasi, ’yun nga po, inaayos namin siyempre ’yung third na pagpapaunlak sa amin ni Ate Vi dahil s’yempre, ibang usapan na ngayon, being a grand lola na [na siya].

“And of course, nai-guest ko rin po si Inay Marya, si Miss Maricel Soriano, na napakatotoo rin noong interbyu namin.

“Ang sarap kasi tawa lang din kami nang tawa. Kasi kung mapapansin nila, pag Moments, parang nagkukuwentuhan lang sa sala, ano Parang walang pressure. Parang walang kamera. Kaya napapalabas mo kung ano talaga ang totoo.

“Si Judy Ann Santos, of course na-guest ko na. Inuna kong i-guest ang kaibigan ko na yan. And Angelu de Leon, Carmi Martin.

“Mga kaibigan ko po, inuuna ko po. Because sa mga first years ng Moments, halos ako ’yung talent coordinator niyan. Ganu’n po ako ka-hands on du’n sa aking programa. Kaya sabi ko, hindi puwedeng hindi mai-guest sa akin sina Juday and Ryan Agoncillo. And soon, ito po, on the 27th I think, I will be taping also with Claudine Barretto naman.

“First time niyang maggi-guest sa Moments. And I’m sure, very interesting ’yung magiging kuwentuhan namin du’n.”

YOU MAY ALSO LIKE:

Gladys Reyes sa faithfulness ni Christopher Roxas: “Siguro naging mabuting tao ako kaya binigyan ako ng mabait na asawa.”

Gladys Reyes, minsang lang magpa-birthday party pero tinodo naman

Gladys Reyes, naninindigan sa kanyang pananampalataya sa INC: “Dumating man ang pag-uusig, di patitinag.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency