Wilma Doesnt ngayong katrabaho niya sa isang teleserye si Carmina Villarroel: “Feeling ko, ang itim-itim ko. Hahaha!”
![Kung tutuusin ay hindi naman first time ni Wilma Doesnt na makipag-batuhang linya sa isang mestiza. Nauna na siyang naipares noon kay now- Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez sa lifestyle show na The Sweet Life (2007-2011) This time around ay si Carmina Villarroel naman ang kanyang onscreen BFF. "Si Lucy Torres, ang balat nu'n [kakulay ng] type writing [paper]. Ito kasi [si Carmina], onion skin [paper]. P’wede ka na mag-trace ng internal organ. ’Yon talaga ang feeling ko. Kaya ako naiyak kasi ang itim-itim ko na naman sa afternoon. Paano ’yan?" birong lahad ng komedyana.](https://pikapika.ph/storage/media/image/article/8eddb3797212cedc470043e1d3686176/images/4f97b077257bc3754bf87d1aa6965739/conversions/Wilma-feature.jpg?v=1662475071)
PHOTOS: @doesntwilma & @mina_villarroel on Instagram
Kung tutuusin ay hindi naman first time ni Wilma Doesnt na makipag-batuhang linya sa isang mestiza. Nauna na siyang naipares noon kay now- Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez sa lifestyle show na The Sweet Life (2007-2011) This time around ay si Carmina Villarroel naman ang kanyang onscreen BFF. “Si Lucy Torres, ang balat nu’n [kakulay ng] type writing [paper]. Ito kasi [si Carmina], onion skin [paper]. P’wede ka na mag-trace ng internal organ. ’Yon talaga ang feeling ko. Kaya ako naiyak kasi ang itim-itim ko na naman sa afternoon. Paano ’yan?” birong lahad ng komedyana.
Makalipas kasi ang halos dalawang dekada ay nagbabalik-teleserye si Wilma kung saan si Carmina ang palagi n’yang kaeksena.
Kaya naman sa virtual media conference para sa nasabing afternoon drama ay natanong siya ng entertainment press kung ano ba ang pakiramdam na kabatuhan ng linya si Carmina.
First time din kasi nilang nagkasama sa isang acting project dahil puro talk show ang natatanggap n’yang projects together before.
“Ito talaga ’yong totoong feeling ko, ang itim-itim ko. Hahaha!” kuwelang lahad ng half-Black American na si Wilma sa press people.
Balik na biro sa kanya ng miyembro ng media, hindi pa siya nasanay gayong naging co-host siya noon ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez sa lifestyle show na The Sweet Life (2007-2011)
“Si Lucy Torres, ang balat nu’n [kakulay ng] type writing [paper]. Ito kasi [si Carmina], onion skin [paper]. P’wede ka na mag-trace ng internal organ. ’Yon talaga ang feeling ko. Kaya ako naiyak kasi ang itim-itim ko na naman sa afternoon. Paano ’yan?” natatawang sagot naman ni Wilma.
But kidding aside, naiiyak daw siyang kaeksena si Carmina, na best friend niya sa show, dahil nakaka-relate umano siya sa character nito na si Lyneth Santos na isang single mother.
“Nakakaiyak. ’Yon lang. Parang pag iiyak s’ya [sa eksena] naiiyak na rin ako. Kasi, actually, nakaka-relate ako sa story ni Lyneth because I was a single mother. Parang nare-relate kapag nagsasalita s’ya, pag naiiyak s’ya naiiyak na din ako,” lahad niya.
Hindi naman daw siya nahirapang mag-adjust pag dating sa aktingan. Matagal-tagal nga din naman kasi bago siya tuluyang nakabalik sa paggawa ng teleserye.
Kung iisipin kasi, maliban sa guesting niya before sa First Yaya ni Sanya Lopez, sa Te Amo Maging Sino Ka Man ni Iza Calzado way back 2004 ang pinakahuli niya talagang teleserye.
“Maybe because sa dami ng experience ko in life, tapos nakaka-relate nga ako doon sa istorya ni Lyneth. So, parang minsan, ’yong iyak n’ya nakakaiyak din talaga,” pagbabahagi ni Wilma.
“Kahit hindi naman ako dapat maiyak, naiiyak din ako kasi nga nakaka-relate ako… because meron ka talagang emotions through your personal experience. So, nakatulong ’yon. Hindi ako nahirapang umiyak dito,” dagdag pa niya.
Kung tutuusin din kasi ay hindi naman siya dapat maiyak dahil alam naman ng lahat na happy siya ngayon sa puntong ito ng buhay niya.
Ikinasal na kasi sila finally ng longtime non-showbiz partner niyang si Gerick Parin nitong nakalipas na March.
Dahil dito ay natanong pa si Wilma, dahil sumabak na agad siya sa pagtatrabaho, kung kelan nila planong mag-honeymoon ng kanyang mister.
“Ay hindi na uso ang honeymoon kasi 15 years na kaming nagha-honeymoon. So, okey na,” pagtatapos niya.
Napapanood sina Wilma at Carmina, kasama sina Jillian Ward, Richard Yap, Dominic Ochoa, Pinky Amador, Dexter Doria, and more, sa Abot-Kamay na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika’s Pick: Bride-to-be Wilma Doesnt shares lovely prenup photos
Wilma Doesnt’s daughter debuts on the catwalk
Wedding ni Wilma Doesnt, may petsa na!
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment