Para sa mga child stars na sina Chuckie Dreyfus at Carmina Villarroel, mas maayos ang kalagayan ng mga batang artista ngayon, kumpara noong panahon nila

Tulad ng bida ng GMA Afternoon Prime series na Abot Kamay Na Pangarap na si Jillian Ward, nagsimula rin bilang mga child actors noong dekada ’80 ang mga co-stars niyang sina Chuckie Dreyfus at Carmina Villarroel.

Si Chuckie ay nagsimula sa paggawa ng mga TV commercials sa edad na 8-years old. Noong mag-turn 10 siya, na-introduce siya sa pelikulang Idol in 1984 na pinagbidahan ni Rudy Fernandez. Nanalo si Chuckie sa debut film niya ng Best Child Performer award sa 1984 Metro Manila Film Festival.

Nasundan ito ng pagpasok niya sa That’s Entertainment at doon na nagsunud-sunod ang mga pelikulang ginawa niya tulad ng I Have Three Hands, The Crazy Professor, Mga Kuwento Ni Lola Basyang, When I Fall In Love, Once Upon A Time, Batang Quiapo, Kambal Tuko, Penoy Balut, Family Tree, Lessons in Love, Magic to Love, Huwag Kang Hahalik Sa Diyablo at Tiyanak.

Pag-alala pa ni Chuckie sa pagiging child actor niya: “Ibang-iba ang situation ng mga child actors ngayon kumpara sa panahon namin ni Mina, especially in terms of how many working hours kang nagtatrabaho. Ngayon kasi may specific time na kung kelan dapat patigilin na ang mga bata mag-work. Ako kasi naranasan ko na two days straight ay nagsu-shooting ako. Kaya naman nakita n’yo hindi tayo masyadong tumangkad!

“Ngayon, mas okey na ang kalagayan ng mga child actors ngayon kasi maayos na ang working conditions sa tapings at shootings. Tapos naalagaan pa sila ng maayos ng isang TV network like GMA. They see to it na safe at protektado ang mga bata sa set.”

Si Carmina naman naman ay nagsimulang gumawa ng mga TV commercials at 9-years old. Gumawa siya ng una niyang pelikula, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, sa edad na 12.

Kabilang sa mga nagawang pelikula ni Mina bilang child actress ay Limang Daliri Ng Diyos, Underage, Student Body, Bobo Cop, Dyesebel, Babaeng Hampaslupa, Good Morning Titser, Regal Shockers: The Movie, Isang Araw Walang Diyos, Balbakwa at Tiyanak.

Sumang-ayon si Mina na mas maganda ang situwasyon ng mga batang artista ngayon kumapara sa mga child actors noong ’80s.

“I agree with what Chuckie said, malaki ang pagkakaiba iba ngayon kesa noong mga child actors kami. Mas pampered ang mga artista ngayon, bata man or matanda. Ngayon kasi may mga standby area na, may airconditioned tents, may portable toilets na sa set. Noon wala kaming mga ganyan. ‘Yung tambayan namin before ay sa loob lang ng van namin at may dala kaming sariling travel size na portalet. Mas kumportable ang mga bata ngayon compared sa amin. Tsaka mas protektado sila ngayon in case magkaroon ng aberya sa set.”

Ang maganda pa raw ngayon ay mas nabibigyan ang mga batang artista ng opportunity na ipagpatuloy ang pag-aaral nila habang nagtatrabaho ang mga ito.

Sey ni Chuckie: “Mas ideal ang situation ng mga batang artista ngayon. They can continue with their studies kahit na nasa location sila ng teleserye. May mga online classes nang available for them anytime kaya wala silang mami-miss na mga lessons nila. Kami kasi noon, enjoy lang kami working but we still have to attend school kahit pagod ka from shooting.”

Sey ni Mina: “Siguro ang pagkakaiba lang ngayon is they have these online classes. Kami noon, naalala ko, pumapasok pa ako sa school straight from taping or shooitng. Na-experience ko yung magsuot ng school uniform at makasama sa mga field trips. Tsaka during our time, walang social media kaya kapag nasa location kami, wala kang choice kundi makipag-interact ka sa mga kasama mo. Kaya lahat ng mga tao sa set, including the production crew ay kilala namin at nakakakuwentuhan namin.”

Parehong thankful sina Chuckie at Mina na kahit na ilang henerasyon na ng mga artista ang dumating, hindi sila nakakalimutang mabigyan ng trabaho.

Tulad ni Chuckie na bukod sa paglabas sa mga teleserye ay isa ring songwriter, composer and a musical scorer. Siya ang mismong nag-a-arrange ng musical number nila noon sa GMA Supershow at That’s Entertainment. Ilan sa mga songs na nasulat niya ay “The Luv Bug”, “Keep On Walking”, “Let’s Go Retro”, “Hiling”, and the carrier single “Kahit Na” of the album The Luv Bug which was released by the REtroSPECT band under Alpha Records.

Naging musical director din si Chuckie ng mga pelikulang Masikip sa Dibdib, D’ Anothers, Binibining K at Agent X44, pati na ng mga TV shows na SCQ Reload, SCQpids, Pinoy Big Brother (Primers), Blind Item and Your Song. Member din siya ng FILSCAP or The Filipino Society of Composers, Authors and Publishers.

“I like to thank GMA na kahit dumaan na ang maraming taon, hindi kami nakakalimutan na mabigyan ng TV show. My last teleserye was Little Princess with Jo Berry. Kaya after ilang months, heto may bago na naman. I still write songs every now and then. Pero hindi na ako kasing active as before kasi mas nakatutok tayo sa pag-aartista ngayon,” sey ni Chuckie.

Si Mina naman ay simula pa noong mapasama siya sa mga TV shows na That’s Entertainment at Palibhasa Lalake ay hindi siya nababakante hanggang ngayon sa paggawa ng pelikula at mga teleserye.

Ngayon at pinasok na rin ng kanyang kambal na sina Mavy at Cassy Legasi ang showbiz, doble ang pasasalamat ni Mina sa break na bigay ng GMA sa mga anak nila ni Zoren Legaspi.

“I’m not just thankful for myself, but para na rin sa kambal at kay Zoren dahil sa mga trabaho na bigay ng Kapuso network sa pamilya namin. Ever since nga na nag-artista tayo, hindi rin ako natigil talaga sa paggawan ng pelikula at TV shows because mahal natin ang trabahong ito. I guess yung simula namin ni Chuckie sa industriyang ito, it set a foundation for us para magtuluy-tuloy lang sa industriyang ito.”

Ang naging edge pa nila Chuckie at Carmina sa mga child actors ngayon ay nakatrabaho nila ang mga malalaking artista tulad nina Fernando Poe, Jr, Dolphy, Susan Roces, Eddie Garcia, Nora Aunor, Vilma Santos, Cherie Gil, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Richard Gomez, Gabby Concepcion, Tirso Cruz III at maraming pang iba.

Sa mga direktor naman, masuwerte silang nakatrabaho ang mga yumao nang sina Ishmael Bernal, Peque Gallaga, Mel Chionglo, Maryo J. delos Reyes, Joey Gosiengfiao, Romy Suzara, Ben Feleo at Emmanuel Borlaza.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency