Julia Barretto, ginulat si Direk Jason Paul Laxamana sa ipinakitang tapang sa Expensive Candy


Bukod sa mga sexy outfits, nag-exoctic dance training din si Julia Barretto with the G-Force at nag-immersion din sa piling mga streetwalkers sa Angeles City. Nag-table siya, incognito at first, ng babaeng nakitaan niya ng mga katangiang ng Candy character na ipo-portray niya. Kaya naman masasabing dinibdib talaga ni Julia ang role niya sa pelikulang ito.

PHOTOS: Viva Films

Bukod sa mga sexy outfits, nag-exoctic dance training din si Julia Barretto with the G-Force at nag-immersion din sa piling mga streetwalkers sa Angeles City. Nag-table siya, incognito at first, ng babaeng nakitaan niya ng mga katangiang ng Candy character na ipo-portray niya. Kaya naman masasabing dinibdib talaga ni Julia ang role niya sa pelikulang ito.

Kinondisyon umano ng aktres na si Julia Barretto ang kanyang sarili para maayos na magampanan ang role n’ya bilang sex worker sa upcoming movie n’yang Expensive Candy.

Inilahad n’ya ito sa media conference nila ni Direk Jason Paul Laxamana para sa nasabing pelikula kamakailan. 

Ito na kasi ang pinaka-daring role na nagawa ni Julia so far kaya’t para mapanindigan ito ay niyakap n’ya nang husto ang character at sinimulan n’ya ’yon sa mga sexy outfits.

Gusto rin daw n’ya na masanay na sa kanya ang production team kaya naman kahit noong look test pa lang ay hindi na umano s’ya nagpa-tumpik-tumpik pa.

Siguro kinundisyon ko lang ’yong mind ko nu’n. It’s mind conditioning. It’s conditioning for my mind from the very beginning. Nu’ng look test pa lang. Kaya ganu’n na agad ang suot ko, Direk, kasi talagang gusto kong makita na ako ng lahat ng crew nang naka-ganu’n para masanay na sila, e,” lahad ng Viva actress sa kaharap n’yang press people habang ina-address din ang katabing si Direk JP.

Hindi na raw n’ya inisip kung dapat ba s’yang ma-conscious sa suot n’ya o sa mga gagawin n’yang eksena gaya ng pagsasayaw nang naka-two piece bikini lang. 

Pati ako, I was conditioning myself already. Hindi na ako nag-dwell doon sa outfit o kung anong gagawin…hindi na. I’m really not the type of person who dwells,” she said. 

Nagulat nga raw pati si Direk Jason sa pagiging game ni Julia sa mga eksena nila. Nag-expect na raw kasi s’ya na pababawasan ni Julia ang tao sa set o kaya naman ay pagsabihan ang mga ito na huwag tumingin nang awkward sa aktres para hindi ito ma-conscious pero nagulat daw siyang hindi raw iyon hiniling ni Julia. 

“For that, another manifestation of bravery, na hindi s’ya ’yong nagpakaarte na ‘Ay, bawasan ’yong tao d’yan. Walang titingin. Out muna lahat.’ Walang ganu’n. Wala kaming ganu’n,” pagbibida ni Direk Jason sa kanyang lead actress. 

Dugtong naman dito ni Julia: “Parang gusto ko lang din malaman ng buong crew na, alam mo ’yon, I trust them. Ayoko lang magkaroon ng tension, ng awkwardness na nagre-request ako ng ganu’n. 

“It’s a team para mabuo ang pelikula. Team kami, hindi lang kami ni Caloy [Carlo Aquino] dahil kami lang ang nakikita [sa screen]. Kailangang maramdaman nila na pinagkakatiwalaan ko sila.

Effective naman daw ang ginawa n’yang pagkukondisyon dahil nasanay na agad sa kanya at sa mga suot n’ya ang mga katrabaho n’ya sa pelikula. 

“Look test pa lang kinundisyon ko na [ang sarili ko] pati ang mga boys doon na, ‘Heto na ako for the next two weeks, three weeks of our lives.’ And nasanay din sila. Everybody got used to it, Caloy got used to it,” saad ni Julia. 

Hindi ako ma-drama sa ganu’ng aspeto. I really don’t dwell. It’s just I was ready, I was excited, and I really enjoyed…lalo na ’yong wardrobe. After a while, ako na ’yong namimili nang [isusuot]. Minsan ’yong ibang wardrobe binibigay nang naka-hanger. ’Yong sa akin, binabato na lang sa akin kasi nga ang liliit ng suot ko doon,” natatawang tsika pa n’ya. 

Pag-amin pa ni Direk Jason, naka-handa na raw siya sakaling mag-request si Julia na mag-tone down sila sa kaseksihan ni Julia sa movie dahil ang pag-arte daw talaga ng dalaga ang pinaka-goal n’yang ma-capture dito. Alam naman daw niyang galing sa mga teleserye si Julia na tumatawid ngayon sa adult roles. Pero nagulat na lang din umano s’ya dahil kahit sa look test pa nga lang ay tinodo na ng aktres. 

Ako, I was willing to tone down the outfits kasi, s’yempre, ang habol ko kay Julia nu’n ’yong acting n’ya,” balik-tanaw ni Direk Jason.

Parang Plan B ko na ’yon, e. I’m willing na si Julia meron lang pa-tuwalya para hindi masyadong daring,” he confessed. 

Nu’ng nag-look test kami, na-shock ako du’n sa mga outfits na pinili n’ya saka nu’ng wardrobe [team]. ‘Ah, okey. Ganito pala.’ So ’yon pala, sige,” dagdag pa ng direktor. 

Alam naman natin na galing si Julia sa mainstream so I would understand kung meron s’yang mga inhibitions or limitations kaya I was really shocked nu’ng look test na ‘Ah, okey. Willing pala s’yang umabot sa ganito. E di, sige.’

For Julia naman, pagkakataon na daw n’ya ito para mag-level up sa kanyang mga kayang gampanan.

“What made me also accept it was I’m very hungry for growth. I want to get out of my comfort zone and I feel like nandu’n na ako sa season ng life ko na, ito na ’yon, it’s growing up, I’m different now and it’s different time in my life,” pagtatapos n’ya. 

Bukod sa mga sexy outfits, nag-exotic dance training din siya with the G-Force at nag-immersion din sa piling mga streetwalkers sa Angeles City. Nag-table siya, incognito at first, ng babaeng nakitaan niya ng mga katangiang ng Candy character na ipo-portray niya. Kaya naman masasabing dinibdib talaga ni Julia ang role niya sa pelikulang ito.

Mapapanood si Julia, katambal si Carlo Aquino, sa pelikulang Expensive Candy simula September 14 in cinemas nationwide.

YOU  MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto, magye-yes daw agad kung sakaling mag-propose na ng kasal si Gerald Anderson

Julia Barretto ngayong lumuwag na ang travel restrictions: “I want to reclaim the time I have lost.”

Julia Barretto’s Juju On The Go vlog features Davao, kung saan tumikim siya ng crocodile coffee ice cream at ostrich vanilla ice cream

Carlo Aquino, nahirapang tingnan nang may “malisya” si Julia Barretto sa Expensive Candy movie nila

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency