Billy Crawford, wish na maglaro sa The wall Philippines sina Bossing Vic Sotto at mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes

Photos: @thewallph @dongdantes @pauleenlunasotto
Exclusive talent ng Viva si Billy Crawford but as far as TV networks are concerned, freelancer siya ngayon. At hindi naman bago sa kanya, o sa buhay ng sinumang artista, ang maka-ikot sa iba ibang TV stations. He’s just happy right now na winelkam siyang muli ng GMA-7 with open arms. “You know, I started with GMA. I’ve ended up in RPN-9, Channel 13, Channel 4 pa yata before. Naikutan ko na ang lahat and at the end of the day, iisa lang ang industriya natin. But having GMA welcomed me back with open arms, e, talagang wala na ‘kong masasabi.”
Ikalawang episode na ng The Wall Philippines sa GMA-7 ngayong Linggo, September 4 kunsaan, ang nagbabalik Kapuso na si Billy Crawford pa rin ang host.
Complete package naman daw kasi ang pagkuha ng GMA sa show, kabilang siya bilang siya na ang nagsimulang host nito noong nasa TV5 pa ito.
“Si Sir Joey Abacan naman said na parang they got the show as it is, as a whole, kasama na yata ako ro’n. So, nagustuhan nila ‘ko paano ako mag-host, I’ll still try to do what’s best for the program.”
Naranasan na pareho ni Billy ang maging exclusive contract artist ng isang network at ngayon naman, ay isa siyang freelancer.
Sa dalawang karanasan niyang ito, alin kaya ang mas gusto niya?
“Who wouldn’t want to work freelance, ’di ba? If you’re able to work with anyone, it’s heaven,” pag-amin niya. “Marami kang matutunan. Marami kang mai-inspire. Marami rin makaka-inspire sa ‘yo.
“The more the merrier. So, if I’m given a chance to work with anyone and not being exclusive or tied down to a network, that’s more than enough.”
“But at the end of the day, business is business at hindi ko p’wedeng kainin ang lahat ng sinasabi ko,” dagdag niya.
“You know, I started with GMA. I’ve ended up in RPN-9, Channel 13, Channel 4 pa yata before. Naikutan ko na ang lahat and at the end of the day, iisa lang ang industriya natin. But having GMA welcomed me back with open arms, e, talagang wala na ‘kong masasabi.”
Orihinal na Kapuso naman talaga si Billy via That’s Entertainment noon. At ngayong naikot na niya ang lahat ng networks at nagbalik sa GMA-7, posible kanyang maging last journey na niya ang pinanggalingang GMA nga?
“Parang ang sakit naman ng last journey,” natawang biro sagot niya.
“Naintindihan ko naman, but I wouldn’t call it as a last resort or a last journey or my last stop. ‘Yun nga, if I’m given a chance to work with anybody, then, great.
“Pero at the end of the day, sabi ko nga, business is business. So, kung saan naman papunta ’to, at the end of the day, do’n na lang natin susundan. Right now, I can’t really say. I can’t really tell you kung ano ang eksaktong mangyayari sa career path ko.
“Am I gonna be exclusive sa GMA or am I gonna be exclusive with Brightlight and VIVA? Maraming collaboration ngayon ang lahat ng entities.
“So, siguro, nando’n lang ako sa gitna na umiikot lang ako. I’m happy where I am right now.”
Samantala, welcome daw sa kanya mag-guest ang mga Kapuso stars, sikat o baguhan man, sa The Wall Philippines. Pero given the chance na makapamili, gusto niya raw makita sanang maglaro sa show niya sina Vic Sotto at ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Sa isang banda naman, sinabi namin kay Billy na marami ang napapahanga sa kanilang dalawa ni Coleen Garcia bilang mag-asawa at mga magulang sa kanilang anak na si Amari.
Pero hindi aminado naman si Billy na hindi rin naman daw sila nawawalan ng mga struggles pag dating as aspetong iyon.
“You know, sa amin kasi, nilalagay namin si God above all. So, una ang Diyos sa amin. Pangalawa ang pamilya namin.
“And if I say na wala kaming problema from time to time, nagsisinungaling ako. Kasi, lahat ng family sa buong mundo, may pinagdadaanan kahit papaano.
“There are struggles sometimes na kaya namin. May mga struggles na nanghihingi na rin kami ng tulong paminsan-minsan.
“So, at the end of the day, normal na tao kami. Kung ano ang pinagdadaanan ng iba, gano’n din kami. The blessing that I have is I get to communicate with my wife.
“Nag-uusap kami palagi. Alam niya lahat kung ano ang nangyayari sa trabaho, sa personal life ko. Alam ko rin kung ano ang nangyayari sa kanya or vice versa.
“Plus, dagdag na lang ’yung blessing na haping-hapi kami sa anak namin. So, there’s no problem. Bakit kami magki-create ng problem?”
Naidugtong pa ni Billy, “Kasi paminsan-minsan, ’yung cabin fever, ’yung pinagdadaanan na pasok kayo sa isang bahay for more than ilang taon and hindi pa tayo nakakalabas for so long, tatlong taon din tayong na-stuck sa isang bahay.
“There are problems that will pop up but it’s how you handle your problems. And we have learned how to deal with our problems and talk and figure solution na lang kesa mag-away.
“Kasi, kung mag-aaway, walang katapusan.”
YOU MAY ALSO LIKE:
Billy Crawford returns to GMA-7 via The Wall Philippines
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment