“A big lie!”—sagot ni Sen. JV Ejercito sa intrigang nabuntis umano niya ang kanyang chief of staff
PHOTO: @SenJVEjercito on Facebook
Bilang pulitiko at galing pa sa prominenteng angkan, sanay na raw si Sen. JV Ejercito sa mga intrigahan. Pero nanawagan pa rin s’ya na lubayan daw sana siya ukol sa mga isyung “nakabuntis.” “Kaming pulitiko sanay sa ganito, please wag niyo idamay mga taong walang kinalaman at may mga pamilya. Kawawa naman sila. Be responsible.”
Pinasinungalingan ni Senador JV Ejercito na s’ya ang tinutukoy sa mga lumabas na blind items nitong nakalipas na mga araw na tungkol sa isang married politician na nakabuntis umano ng ibang babae.
Nangyari ang pagtutuwid niyang ito nang isang Twitter user—in a now-deleted post—ang tahasang nagtanong sa kanya kahapon, September 13, kung mananahimik na lang daw ba s’ya sa isyu ngayong nabuntis umano n’ya ang kanyang empleyado?
“Hahaha tahimik ka ata @jvejercito. Busy mag-settle sa nabuntis mong chief of staff? Lol,” diretsahang akusa ng Twitter user sa senador.

Agad naman itong itinanggi ni Senador JV at nakiusap na huwag mag-imbento ng mga malisyosong tsismis lalo pa’t pamilyadong tao ang nakakaladkad dito.
“A big lie! Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao. Nanahimik kami ang nagtatrabaho wag kami idamay sa ganyang chismis. Be responsible,” tugon n’ya.
A big lie!
Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao.
Nanahimik kami ang nagtatrabaho wag kami idamay sa ganyang chismis.
Be responsible.
— JV Ejercito (@jvejercito) September 13, 2022
Sa kasunod n’yang tweet, sinabi ng senador na hindi na raw bago ang ganitong intriga sa kanya dahil ginawan din daw sila ng tsismis before ng kanyang executive assistant.
“Hay naku this particular circle spreading fake news of a ‘scandal’ of me & my chief of staff this time, nung una yung EA ko na si Chen,” pagbabahagi n’ya.
Although sanay na raw s’ya sa mga ganitong isyu–bilang isang politiko na mula sa isang prominenteng angkan–nanawagan pa rin s’ya na lubayan daw sana ang mga nananahimik na indibidwal.
“Kaming pulitiko sanay sa ganito, please wag niyo idamay mga taong walang kinalaman at may mga pamilya. Kawawa naman sila. Be responsible,” pag-uulit niya.
Hay naku this particular circle spreading fake news of a “scandal” of me & my chief of staff this time, nung una yung EA ko na si Chen.
Kaming pulitiko sanay sa ganito, please wag niyo idamay mga taong walang kinalaman at may mga pamilya.
Kawawa naman sila.
Be responsible.
— JV Ejercito (@jvejercito) September 13, 2022
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment