Matteo Guidicelli, naiyak sa panunukso ni Alex Gonzaga: “Tigilan na natin ang pagbiro sa mga asawa natin… Nasasaktan ako para sa asawa ko.”
![Matteo to Alex: “Nasasaktan ako para sa asawa ko. Tigilan na natin [ang panunukso sa mga ex]...irespeto na lang natin ang mga asawa natin.”](https://pikapika.ph/storage/media/image/article/42edd1ec1dc5f5c1f11fd74a959e96c9/images/f17a7558451bf1e93b8a8f5549e4938f/conversions/Matteo-Alex-feature.jpg?v=1660298439)
PHOTOS: @matteog & @cathygonzaga on Instagram
Matteo to Alex: “Nasasaktan ako para sa asawa ko. Tigilan na natin [ang panunukso sa mga ex]…irespeto na lang natin ang mga asawa natin.”
Kapwa naging top trending topic on Twitter kagabi, August 11, sina Matteo Guidicelli at Alex Gonzaga—at ngayong araw ay humabol naman si Sarah Geronimo—matapos mapagsabihan ng aktor ang Tropang LOL co-host n’ya sa panunukso nito sa kanya.
Kumalat kasi sa social media ang video kung saan makikitang nakiusap si Matteo kay Alex na tigilan na ang paulit-ulit na panunukso nito sa kanya sa dati n’yang nobya na si Maja Salvador.
For context, nag-ugat pala ang lahat sa “Maritest” segment ng Tropang LOL episode last August 10 kung saan ang komedyanteng si Thou Reyes ang kanilang naging celebrity guest. Co-star si Thou ni Maja sa sitcom nitong Oh My Korona ng TV5.
Dito naganap ang unang panlalaglag ni Alex kay Matteo. Tinanong kasi n’ya si Thou kung sino ba ang common friend nila ni Matteo on Facebook, na tila ang tinutumbok ay si Maja.
May pagkakataon din na sinabihan pa ni Alex ang aktor na manood ng Oh My Korona matapos itong mai-promote ni Thou.
“Matteo, manood ka n’yan ha, Oh My Korona,” pasimpleng tukso ni Alex sa mister ni Sarah Geronimo.
Sa isa pang segment na “Pera Usog” ay muli na namang umiral ang subtle na pang-aasar ni Alex kay Matteo nang i-bring up n’ya sa usapan ang tungkol sa paborito niyang dessert.
“Usually, ang favorite kong dessert mga kakanin. Kayo, ano bang paborito n’yo? Si Matteo, maja blanca,” double meaning na pagbibiro n’ya.
Sa puntong ito na lumaban ng asaran si Matteo at sinabing, “Ikaw? Gusto mo tawagan natin si Kean Cipriano ngayon?”
Napa-reak naman ang komedyana sa hirit na ito ng actor-TV host.
Hindi pa ito natapos doon dahil pagkaraan lang ng ilang sandali ay muling gumanti si Alex at dinamay pa ang katapat nilang programa sa GMA-7 na Eat Bulaga! kung saan isa si Maja sa mga co-hosts.
“Bakit hindi natin batiin ang mga Dabarkads? Hi, Maja!” saad n’ya.
Singit pa n’ya sa banter nina Billy Crawford at Matteo, “Bakit hindi muna tayo sumayaw ng ‘Twerk It Like Miley?’”
Nag-viral kasi ang dance version ni Maja ng sayaw na ito.
Sa later part ng show, bigla din n’yang niyaya pa-exit si Matteo by saying, “Bakit ka nandito? Halika na. Manonood pa tayo ng Oh My Korona.”
It turned out na kahit sumasakay si Matteo sa mga birong hirit ni Alex, hindi pala nito nagustuhan deep inside ang mga distasteful paandar na ito ng komedyana on national television.
Kaya naman kinabukasan, sa August 11 episode ng Tropang LOL, ay nakiusap na si Matteo kay Alex na tigilan na ang pag-uungkat nito ng nakaraan n’ya para hindi s’ya nakakapagbitaw din ng may kinalaman sa past relationship naman ng comedienne-vlogger.
“May konting mensahe po ako sa mga Tropang LOL, especially sa ’yo, Alex…,” panimulang lahad ni Matteo. “Napanaginipan ko ito kagabi, sabi ko sa sarili ko at nag-pray ako. Lex, na tigilan na natin ang pagbiro sa mga asawa natin dahil mga ‘ex’ na ’yan, e.
“Tapos na ’yon at maawa naman tayo kay konsehal [Mikee Morada] at sa asawa ko, dahil kagabi umiyak na talaga ako dahil sa ’yo,” pagtatapat n’ya.
“Bakit ka umiyak sa akin?” pa-inosenteng balik-tanong ni Alex sa kanya.
Tugon ni Matteo: “Nasasaktan ako para sa asawa ko. Tigilan na natin. S’yempre, nai-stress din ang editor natin… Tropang LOL, i-respeto na lang natin ang mga asawa natin.”
At para mapagaan ang usapan, dumako na lang si Matteo sa kuko sa paa ni Alex.
“Mag-usap na lang tayo tungkol sa kuko mo,” segue n’ya na ikinatawa ng lahat.
Kumalat ang video clip ng particular na suwabeng pananabon na ito ni Matteo kay Alex at umani ito ng samu’t saring reaksyon na ang karamihan ay pumupuri sa pagka-edukado ni Matteo kasabay ng mga pangba-bash sa umano’y hindi na raw yata mababagong kagaspangan ng ugali ni Alex.
Meron ding kinilig nang husto sa chivalrous move na ito ni Matteo; patunay daw ’yon kung gaano nito kamahal ang asawa n’yang si Sarah Geronimo.
Tila simpleng sagot naman ni Alex sa mga hindi natuwa sa mga biro n’ya kay Matteo ang ipinost niya sa Twitter that same day.
Aniya: “Some people won’t like you but that’s okay as long as you still like yourself and the person you can be.”
Some people won’t like you but that’s okay as long as you still like yourself and the person you can be.
— Alex Gonzaga-Morada (@Mscathygonzaga) August 10, 2022
YOU MAY ALSO LIKE:
Maja Salvador and Rambo Nuñez, aasikasuhin na ang wedding preps pagkatapos ng Oh My Korona launch
Pika’s Pick: Alex Gonzaga is back to her hosting duties in Lunch Out Loud
Toni at Alex Gonzaga, pinangilagan ng mga ispiritu sa location set ng The ExorSIS
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment