Mark Anthony Fernandez, binubunong mabigyan ng kanya-kanyang bahay ang lima niyang anak sa iba’t ibang babae


As an actor, hindi naman consistent ang pasok ng biyaya kay Mark Anthony Fernandez. Pero basta’t meron naman daw siya ay paniguradong sa sustento iyon limang anak niya mapupunta. ‘ ’Yon nga lang don, aminado siyang ata-atado ang sustentong iyon. Tipong mabibigyan niya ang isa at ang isa ay hindi kaya aware siya na p’wedeng pagsimulan iyon ng inggitan. “I’m sure meron pero buti na lang naintindihin din sila. Alam nilang sakaling maka-jackpot uli, sila naman ’yong next na maaambunan.”

SCREENSHOT: Ogie Diaz on YouTube

As an actor, hindi naman consistent ang pasok ng biyaya kay Mark Anthony Fernandez. Pero basta’t meron naman daw siya ay paniguradong sa sustento iyon limang anak niya mapupunta. ‘ ’Yon nga lang don, aminado siyang ata-atado ang sustentong iyon. Tipong mabibigyan niya ang isa at ang isa ay hindi kaya aware siya na p’wedeng pagsimulan iyon ng inggitan. “I’m sure meron pero buti na lang naintindihin din sila. Alam nilang sakaling maka-jackpot uli, sila naman ’yong next na maaambunan.”

Pinagpupursigihan pala ni Mark Anthony Fernandez na mabigyan ng kanya-kanyang bahay ang lima n’yang mga anak. 

Naikuwento n’ya sa tsikahan nila ng comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz sa in-upload sa YouTube channel ng huli nitong nakaraang weekend. 

Napag-usapan kasi nila kung paano ang pagiging ama n’ya sa kanyang mga anak gayung solo s’yang naninirahan sa Pampanga since 2015.

May 22 [years old] na akong anak. Tapos si Grae Fernandez, anak ko ’yon, adult na rin s’ya pero parang kapatid ko lang. ’Yong iba, baby pa. Dalawang seven [years old], isang six [years old],” lahad ni Mark sa video. 

Dito na s’ya natanong ni Ogie kung paano n’ya tinutugunan ang pangangailangan ng mga anak from his past relationships. 

“Abruptly kasi ako. Ang dami kong pinagdaanan nu’ng bata ako na ayoko mangyari sa kanila. ’Yong dalawa nabigyan ko na ng tirahan, binigyan ng bahay. Buti na lang ’yong mama nila may-kaya naman. Tapos pag meron ako, doon ako magbibigay,” pag-amin naman niya.

Dahil dito ay natanong s’ya kung hindi ba s’ya inoobliga na magbigay ng sustento on a monthly basis. 

May pagkakataon na ganu’n. Pero buti na lang nagkasundo kami sa kasunduan na pag meron ako [pera] doon ay magbibigay, pag marami, doon ako magbibigay. Dahil meron naman sila dahil binigyan ko sila ng bahay,” pagbabahagi pa n’ya. 

Mabuti na lang daw at in good terms na sila ng mga nanay ng kanyang mga anak unlike before. 

Hirit na komento naman ni Ogie: “Napagod na silang magalit sa ’yo?

Sa awa ng D’yos, oo. Buti na lang mas mabait sila kesa sa hindi,” nakangiting tugon n’ya. 

Isa pa sa naitanong kay Mark ay kung meron ba s’yang anak na may tampo sa kanya. 

Sana wala naman. Pero sana nakikita nila ’yong mga nakikita ko. At most, hanggang pang-synopsis nila, hopefully wala ’yong personal [grudges] talaga,” sagot n’ya.

Although, aminado daw s’ya na may pagkukulang s’ya bilang tatay sa kanyang mga anak. 

Sigurado meron pero paglaki ng mga ’yon maiintindihan nila ako. Tapos maa-appreciate nila ’yon. Technically, hopefully, ’wag nila isipin ’yon na meron,” he said.

Nag-aabot naman daw s’ya ng tulong pinansyal kung kaya n’ya. Umabot pa nga daw sa puntong natapyasan ang ipon n’ya dahil nga nagbigay s’ya ng mga bahay sa mga ito. 

Nakapagbigay na ako ng bahay sa anak ko. ’Yong isang anak ko binigyan ko. Lahat sila may kanya-kanyang bahay na, ’yong tatlo. Dalawa na lang ang wala pa. Pero nabigyan ko ng kotse naman ’yong isa,” pagbibida n’ya.

Hindi naman daw talaga n’ya goal na magbigay ng bahay sa kanyang mga anak pero ginawa na umano n’ya ito bilang responsibilidad n’ya bilang isang ama. 

’Yon ’yong naging initial responsibilidad ko na kailangan kong gawin, kailangan kong isarado bago ang ano’t ano pa man,” saad pa n’ya. 

Na-curious tuloy si Ogie kung wala bang inggitan sa pagitan ng kanyang mga anak. 

“I’m sure meron pero buti na lang naintindihin din sila. Alam nilang sakaling maka-jackpot uli, sila naman ’yong next na maaambunan,” pagtitiyak n’ya. 

Mensahe pa n’ya sa mga ito, “Sa mga anak ko, mahal na mahal ko kayo. Babawi ako sa inyo oras na may pagkakataon akong makabawi ng kabutihan. Nagkaganito lang dahil…s’yempre, maiintindihan n’yo paglaki n’yo. ’Yong mga ginawa kong bagay para din sa inyo.”

Nagbigay rin s’ya ng message sa mga ina ng kanyang mga anak. 

Sa mga nanay ng anak ko… Maraming salamat na mababait silang babae, maintindihin kahit hindi kami nagkaintindihan ng ilang pagkakataon. Maraming salamat sa peaceful hearts n’yo at sa malawak na pag-iintindi. Babawi ako sa inyo ng kabutihan,” pagtatapos ni Mark.

YOU MAY ALSO LIKE:

Claudine Barretto on failed relationship with Mark Anthony Fernandez: “Na-ghosting ko yata…”

This is Showbiz #46: Mark Anthony Fernandez, willing daw sa man-to-man kissing scene kung drama film

On-the-set LOOK: Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunite in the drama-mystery, Deception

Claudine Barretto, never daw nakaranas ng deception noong sila pa ni Mark Anthony Fernandez

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency