Direk Darryl Yap, si Jerome Ponce ang target mai-cast bilang si late senator Ninoy Aquino sa Maid in Malacañang prequel


Kahapon, August 10, sa vloggers party ng Maid in Malacañang,  kinumpirma na ni Direk Darryl na si Jerome Ponce nga, ang isa sa mga bida ng Katips, ang nais niyang mai-cast bilang young Ninoy Aquino sa kanyang planong prequel to MiM matapos direkta ding matanong ng isang vlogger ukol dito. “I’m aiming for Jerome Ponce to be the young Ninoy Aquino. I’m very vocal in saying that because I believe in the kid and I think he’ll do justice as young Ninoy.”

PHOTOS: @YouthAndPower2016 & @JeromePonce23Official on Instagram

Kahapon, August 10, sa vloggers party ng Maid in Malacañang,  kinumpirma na ni Direk Darryl na si Jerome Ponce nga, ang isa sa mga bida ng Katips, ang nais niyang mai-cast bilang young Ninoy Aquino sa kanyang planong prequel to MiM matapos direkta ding matanong ng isang vlogger ukol dito. “I’m aiming for Jerome Ponce to be the young Ninoy Aquino. I’m very vocal in saying that because I believe in the kid and I think he’ll do justice as young Ninoy.”

May mga pahaging na sa kanyang mga social media ang provocateur content creator and director na si Darryl Yap na si Jerome Ponce ang napipisil niyang gumanap bilang young senator Benigno Aquino Jr. sa plano niyang prequel ng Maid in Malacañang.

Sinabi n’ya ito sa Maid in Malacañang Vloggers Party kahapon, August 10, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga YouTube vloggers na makapagtanong sa direktor at ilang artista ng pelikula gaya nina Kyle Velino, Ella Cruz, Elizabeth Oropesa, Karla Estrada, at Cesar Montano.

Aniya, kasama raw kasi sa mga ipinitch n’ya sa Viva ang trilogy concept ng istorya niya about the Marcoses at plano niyang ang second part ay prequel na iikot ang kuwento leading to the assassination of Ninoy Aquino. Martyr or Murderer  (MoM) ang napipisil niyang titulo nito.

Natawag ni Jerome Ponce ang pansin ng direktor nang mag-viral ito kamakailan matapos mag-post ang ina ng kanyang girlfriend na si Sachzna Laparan ng larawang kuha sa labas ng sinehan at hagip ang poster ng Maid in Malacañang. Ani Christine Laparan sa kanyang FB post, nanood sila ng MiM at nagustuhan umano nila ito.

Ito ay sa kabila ng sila ang mga lead stars ng pelikulang anti-Marcos na Katips, na sinasabing direct competitor ng Maid in Malacanang both sa takilya at sa tema.

Ni-repost ng VinCentiments page  ang nasabing post kasama ng pasasalamat ni Direk Darryl.

“Salamat sa panonood Sachzna Laparan at Jerome Ponce, parehas artista sa pelikulang katips. #MAIDinMALACAÑANG,” saad ni Direk Darryl sa dalawa last August 5. 

Salamat sa panonood Sachzna Laparan at Jerome Ponce, parehas artista sa pelikulang katips. #MAIDinMALACAÑANG DAY 3

Posted by Darryl Yap on Friday, August 5, 2022

Bagama’t marami rin namang nagtanggol sa aktor dahil wala naman daw masamang panoorin din nito ang kalabang pelikula para makita rin ang POV nito; pero mas marami ang nag-bash kay Jerome dahil sa kanyang pagsuporta sa pelikula ni Direk Darryl na siyang tinututulan, concept wise, ng pelikula nilang Katips na tumalakay sa mga human rights violations noong panahong umiiral ang Martial Law.

May nagsabing sana ay hindi nalang tinanggap ni Jerome ang role niyang aktibista sa Katips kung hindi naman pala tumimo sa puso niya ang adhikain ng kanyang role doon. May mga nag-akusa pang kasali raw pala sa mga enablers ng mga Marcoses ang magkasintahan dahil sa ginawa nila. Marami rin ang nagbanta na ika-cancel sila.

Sa puntong ito na dinipensahan ng direktor ang Kapamilya actor. 

“Jerome Ponce is being bashed, bida sya sa 2x Flop movie nila pero nanood sya ng Maid in Malacañang. [D]i na raw sya susuportahan. HAHAHA! Di nyo nga kayang magpanalo ng kandidato at magpabox office, nanakot pa kayo,” pang-aasar ni Direk Darryl sa mga bashers ni Jerome noong August 6. 

Jerome Ponce is being bashed, bida sya sa 2x Flop movie nila pero nanood sya ng Maid in Malacañang. di na raw sya…

Posted by Darryl Yap on Saturday, August 6, 2022

After two days, August 8, nag-post ang Viva filmmaker na naiisip na niyang isali sa prequel movie niya ang bina-bash na actor.

“#MoM Flashback • Young Yellow,” simpleng pahayag ni Direk Darryl sa kanyang FB post kalakip ang photo ni Jerome na nakasuot ng eyeglasses na similar sa trademark na salamin ni dating senador Ninoy Aquino.

At kahapon nga sa vloggers party, kinumpirma na ni Direk Darryl na si Jerome nga ang nais niyang mai-cast bilang young Ninoy Aquino sa kanyang planong prequel matapos direkta ding matanong ng isang vlogger ukol dito.

“Same actors, ’no? Kaso hindi p’wede ’yong iba, e,” panimulang sagot n’ya na may pabirong pahaging kina Karla Estrada at Elizabeth Oropesa. 

Kaya tingnan natin kung magagawan natin ng paraan. Pero ’yong mga bagong artista we have to clear it yet [sa Viva]. Pag sinabi ko na, “I’m aiming for Jerome Ponce to be the young Ninoy Aquino,’ I’m very vocal in saying that because I believe in the kid and I think he’ll do justice as young Ninoy,” lahad pa n’ya.

Paniguradong magiging maingay ito once tinanggap ni Jerome ang alok dahil maaaring isipin ng mga pro-Marcos na anti-thesis ito sa ginampanan niyang anti-Martial Law activist sa Katips.

Samantala, may mga vloggers naman na nagbirong humirit na isali umano sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.  

Hoy! Anong KathNiel? May pera tayo?” natatawang balik-tanong ni Direk Darryl na ikinatawa ng lahat.

Isa pang vlogger ang naglakas loob na magtanong ng, “May posibilidad po ba na makasama ang mga vloggers sa pelikula?

Si Karla Estrada naman ang humirit dito: “Kanina pa kita tinitingnan. Gusto mo mag-artista, e.

At nagtawanan ang lahat.

Hindi rin napigilan ni Cesar Montano na makisali sa biruan at sinabing: “Tingnan mo ’yong nagsabing isama ang vloggers sa pelikula..Wala namang panahon ng Hapon doon, ah.”

At muling nagtawanan ang lahat.

As for Direk Darryl, game daw s’yang bigyan ng chance makapag-cameo appearance ang mga vloggers kung magagawa ang Martryr or Murderer.

O, sige. Magbibigay ako nang konting-konti lang [na clue sa mga eksena]. Pagagalitan ako ni Senator Imee pero wala na akong paki, ’no?” sabi n’ya.

P’wede kayong makasama kasi, alam n’yo, kasama sa pelikula, kasama sa Part 2 ang kasal ni Irene [Marcos] at Greggy [Araneta]. P’wede kayong mga ano doon, journalist. Kaso wala pang vlogging noon, ah.

Samantala, nanawagan si Direk Darryl sa kanyang mga followers na suportahan na muna ang Maid in Malacanang bago mag-request ng mga bagay-bagay para sa Martyr or Murderer.

“[I[ just saw this online petition for #MoM to be shown on September for the Martial Law Anniv. Kalma Tayo. [S]howing pa yung part 1,” panawagan n’ya. 

i just saw this online petition for #MoM to be shown on September for the Martial Law Anniv. Kalma Tayo. showing pa yung part 1.

Posted by Darryl Yap on Tuesday, August 9, 2022

YOU MAY ALSO LIKE:

Darryl Yap matapos ideklarang persona non grata sa QC: “I find it very immature, I find it very elementary, I find it very rudimentary for these politicians to actually take it personally.”

Darryl Yap sa netizen na tumawag sa kanya ng “pedophile-disrespectful-fake news peddler director”: “Idedemanda kita. Pangako.”

Banat ni Darryl Yap sa mga umokray sa casting ng Maid in Malacañang: “Ipagsisiksikan nyo na lang yung talunan nyong opinyon sa pelikula ng nanalo?”

Direk Joel Lamangan sa mga baguhang sexy stars: “Dapat hindi lamang katawan ang puhunan.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency