Willie Revillame at AMBS Network, nakikipag-collab sa Viva; “Mga talents ang pinag-uusapan namin.”


Target nina Willie Revillame at AMBS president na si Ms. Beth Tolentino, na makapag-ere na ng mga palabas ang kanilang bagong network this coming October 2022. Ang AMBS ang network na s’yang may hawak ngayon sa frequency na Channel 2 na hawak noon ng ABS-CBN.

PHOTO: @vivaartistsagency on Instagram

Target nina Willie Revillame at AMBS president na si Ms. Beth Tolentino, na makapag-ere na ng mga palabas ang kanilang bagong network this coming October 2022. Ang AMBS ang network na s’yang may hawak ngayon sa frequency na Channel 2 na hawak noon ng ABS-CBN.

Open sa collaboration with the entertainment media giant, Viva, ang magbubukas na Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS) ng mga Villars.

Iyan ang inilahad ng TV host-comedian at ngayo’y TV executive na, na si Willie Revillame, sa virtual media conference n’ya last July 15 kung saan opisyal din s’yang pumirma ng kontrata sa bagong TV network. 

Nangangahulugan ito na sa AMBS na mapapanood ng programa n’yang Wowowin – Tutok To Win, na dating nasa GMA-7.

Nagpasalamat naman s’ya sa ABS-CBN, TV5, at GMA-7 na naging mga tahanan n’ya bago s’ya napunta sa bago n’yang network na ABMS, kung saan isa s’ya mga mamumuno dito.

At dahil bago pa lang ang network, bukas daw ito na makipag-collab sa iba’t ibang entities ngayong binubuo nila ang kanilang mga programa. 

Dito na namin natanong si Willie kung ano ang magiging papel ng Viva sa kanilang TV network. Last July 1 kasi ay lumabas sa social media ang photo nila ni Ms. Maribeth Tolentino, president ng AMBS, kasama ang mga heads ng Viva na sina Boss Vic del Rosario, Veronique del Rosario-Corpus, at Boss Vincent del Rosario.

Ayon kay Willie, s’ya raw mismo ang nag-request para sa meeting na ’yon.

“Actually, ako ang humiling ng meeting na ’yon. Pinakilala ko si Ms. Beth. It’s more of the talents, mga talents ang pinag-uusapan namin,” paliwanag ng TV host-comedian. 

Sa ngayon daw kasi ay naka-focus muna sila pag-create ng game and variety shows kaya naghahanap sila ng mga artistang pupuwedeng ilagay sa mga ipo-produce nilang TV programs. 

May mga pinag-usapan kung sino ang pupuwede sa noontime show, sino ang pupuwede sa game show. Kasi wala pa kami du’n sa pinag-uusapang teleserye, e. Kasi hindi pa ready ang AMBS for that,” pagtatapat n’ya. 

“If you will notice, iba ang AMBS. It’s fun, pa-premyo…puro saya lang ’to, e. Ayaw namin ’yong drama-drama muna sa hirap ng buhay. It’s more of magbigay ng saya araw-araw.

Pagtitiyak pa ni Willie, “So, ang magiging primetime nito more of games, ’yon ang magiging concept muna namin. Wala pa namang mga stars, wala pang mga artista.

Sinigundahan naman ito ni Ms. Beth at sinabing for partnership talaga para sa mga talents ang dahilan ng pakikipag-meeting nila with the del Rosarios.  

“Actually, ’yong kay Boss Vic…s’yempre, importante s’ya dahil marami s’yang mga hinahawakang mga artista na p’wede naming maging kapartner dito sa AMBS. Kaya importanteng makausap si Boss Vic,” ani naman ni Ms. Beth. 

Paglilinaw naman ni Willie, bukas sila sa lahat at hindi naman exclusive lang sa Viva.  

Hindi lang naman si Boss Vic, ’no? Open naman ’to sa lahat. ’Yong mga may managers, ’yong mga nangangarap na maging artista, ’yong mga walang ginagawang artista, AMBS is open to everyone,” pahayag n’ya. 

Dagdag pa ni Ms. Beth, hindi lang naman mga artista ang kailangan nila kundi pati na rin ’yong mga tao behind the camera, for productions, logistics, engineering, at iba pa. 

“S’yempre, lahat ginagawa natin para mabuo ’yong programa ng AMBS so lahat ng p’wedeng makatulong ay kakausapin namin. Of course, ’yong gustong sabihin ni Willie, ’yong mga staff binubuo rin namin,” pagbabahagi ng AMBS president. 

Kasabay ng pagbuo ng programa ay pagbuo rin ng organization ng AMBS. ’Yong sinasabi n’yang opening at magsisimula na tayong mag-hire ay talagang ganu’n. Magha-hire tayo ng mga bago…marami. 

Dahil kung ito ay palalakihin natin, malaking grupo siguro ang madadagdag at mabibigyan ng trabaho ang AMBS,” saad pa n’ya.

Kaya naman nagpapasalamat si Willie na makakapagbigay sila ng trababo ngayong may magbubukas na TV station. 

“I’m so thankful na merong another station na magbibigay ng pagkakataon o tsansa sa mga nawalan ng trabaho dati,” pagtatapos n’ya.

Tina-target nina Willie at Ms. Beth na makapag-ere na ng mga palabas this coming October 2022 ang  AMBS, ang network na s’yang may hawak ngayon sa frequency na Channel 2 na hawak noon ng ABS-CBN.

YOU MAY ALSO LIKE:

Willie Revillame at Raffy Tulfo, nagpapagawa na ng mga campaign materials para sa eleksyon?

Willie Revillame, hindi na kakandidato sa pagka-senador; dismayado sa mga kasalukuyang namumuno

Willie Revillame, nasa crossroad ayon sa kaibigan nitong si Cristy Fermin; “Malungkot, masakit…napakahirap ng kanyang sitwasyon.”

Willie Revillame, nakahinga nang maluwag nang malamang negative siya for cancer

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency