Twelve-year-old wish ni Kuya Kim Atienza na maka-trabaho si Pokwang, natupad na!


Dahil fan siya ni Pokwang, kaya gamay na raw niya ang humor nito, ayon kay Kuya Kim Atienza. Pero big revelation daw para sa kanya ang isa pa niyang TiktoClock co-host na si Rabiya Mateo. “Kasi kadalasan ang alam ko sa mga beauty queen very self-conscious, e. Dapat maganda ang anggulo, dapat maganda palagi. Dito sa TiktoClock lumabas ang tunay na Rabiya,” natatawang sabi n’ya. “Nawala ang poise, which is good. Hahaha!

PHOTOS: @kuyakim_atienz & @itspokwang27 on Instagram

Dahil fan siya ni Pokwang, kaya gamay na raw niya ang humor nito, ayon kay Kuya Kim Atienza. Pero big revelation daw para sa kanya ang isa pa niyang TiktoClock co-host na si Rabiya Mateo. “Kasi kadalasan ang alam ko sa mga beauty queen very self-conscious, e. Dapat maganda ang anggulo, dapat maganda palagi. Dito sa TiktoClock lumabas ang tunay na Rabiya,” natatawang sabi n’ya. “Nawala ang poise, which is good. Hahaha!

Humiling pala si Kuya Kim Atienza more than a decade ago na makasama sa work ang komedyanang si Pokwang at nagkatotoo na ito ngayon. 

Silang tatlo kasi nina Rabiya Mateo ang co-hosts sa upcoming countdown variety show ng GMA Network na TiktoClock kung saan first time nilang makakatrabaho ang bawa’t isa.

At sa virtual media conference para sa nasabing show nitong July 12, natanong ng entertainment press si Kuya Kim kung ano ang naging “expectations versus realities” moments n’ya sa dalawa n’yang female co-hosts. 

Sagot ni Kuya Kim, matagal na n’yang kilala si Pokwang dahil pareho silang nanggaling sa Kapamilya network. 

Si Pokwang sanay na akong makita ’yan, e, dahil matagal ko ring nakasama sa ABS [-CBN],” lahad n’ya sa press.

Kuwento pa n’ya, nag-wish pa daw s’ya noon na sana ay makatrabaho n’ya ang comedienne-entrepreneur sa isang show. 

“Twelve years ago, nag-co-host kami ni Pokwang…sa Wowowee noong nandu’n pa sa kabila. Ang ganda-ganda nu’ng kasama namin si Chocoleit. Then, sabi ko, I wish I that have a show with Pokwang and I wish that I have a game show or a variety show with Pokwang,” pagre-recall ni Kuya Kim. 

“So, it’s always been my wish. And itong 12 years na dumaan, eto’ng binigay sa amin ng GMA ang ganitong pagkakataon…natupad. Sabi ko, ‘Wow! Natupad na!’ At may bonus pa. Nandito pa si Rabiya,” masayang saad pa n’ya.

Nakaka-overwhelm daw ang trust na ibinigay sa kanila ng Kapuso network dahil kung tutuusin ay pareho silang baguhan sa GMA-7. 

Ang tiwala sa amin ng GMA ay ganu’n na lang, e, kasi binigyan kami daily show na prime morning pa,” sabi pa TV host.

Nang mausisa naman kung bakit noon pa n’ya gustong maka-work si Pokwang, sinabi ni Kuya Kim na matagal na s’yang taga-hanga ng komedyana.

Bakit gusto maka-work? Tawang-tawa ako palagi, e. Gusto ko ang humor ni Pokwang. May kabilisan ang humor n’ya. Gusto ko ’yong out-of-the-wall na humor n’ya. Matagal na akong tagahanga ni Pokwang sa kanyang pagpapatawa,” paglalahad n’ya.

Ibinida pa n’ya ang mga magagandang katangian ng aktres ngayong mas naging close na sila bilang magkatrabaho sa isang show. 

Ngayon nakikilala ko si Pokwang bilang kaibigan kasi we’re even close now dahil we work together now. I can see the caring side ni Pokwang,” saad n’ya. 

Napaka-nanay ni Pokwang, napaka-maalaga. Gustong-gusto n’yang pakainin ka. Kung ano’ng meron s’ya gustong-gusto n’yang ibigay sa’yo,” dagdag pa ni Kuya Kim.

Hindi na rin daw s’ya nag-adjust masyado para masubok ’yong nakakatuwang kombinasyon nila para sa TiktoClock.

Kay Pokwang, hindi ako nanibago. Kilala ko na ’yong humor ni Pokwang,” pagtitiyak pa n’ya.

Revelation naman daw ang dating ng beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo sa kanya. 

Ngayon, si Rabiya, s’ya ang surprise. Kasi kadalasan ang alam ko sa mga beauty queen very self-conscious, e. Dapat maganda ang anggulo, dapat maganda palagi. Dito sa TiktoClock lumabas ang tunay na Rabiya,” natatawang sabi n’ya. 

Nawala ang poise, which is good. Hahaha! Basta banat. Kung anong ginagawa naming ni Pokwang ’yon ang ginagawa ni Rabiya. And that came as a big surprise for me,” pagtatapos ni Kuya Kim.

Mapapanood sina Kuya Kim, Pokwang, at Rabiya Mateo sa countdown variety show na TiktoClock simula July 25, bago mag-Eat Bulaga, sa GMA Network.

YOU MAY ALSO LIKE:

Dingdong Dantes, mainit ang pag-welcome sa kumpadre niyang si Kuya Kim Atienza

Akala daw ni Kuya Kim Atienza ay balanse ang buhay niya; “I should have spent more time with my kids.”

Pokwang, nasasaktan para kay Lee O’Brian sa mga tinatamo nitong panghuhusga ng publiko; “Kesyo palamunin ko raw…masipag po ’yung tao!”

Pokwang ngayong single parent na muli s’ya: “Hindi karma ang natapos na pagmamahalan.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency