Sparkada member na si Kim Perez, gustong magmarka ala-John Lloyd Cruz; Vince Maristela, open for online coaching para sa mga nangangarap ng hunk bod like his

Sa modelling world nakilala ang SPARKADA members na sina Kim Perez at Vince Maristela. Pareho silang naging print and commercial models. Ngayon ay handa na silang pasukin ang ibang mundo at ito ay ang showbusiness.
Kabilang sina Kim at Vince sa inilunsad ng Sparkle GMA Artist Center na first batch ng SPARKADA at pareho silang excited na ma-explore ang iba pa nilang talents tulad sa pag-arte at pagpe-perform.
Dahil pareho silang may background sa modeling, nasanay na silang makatrabaho ang iba’t ibang klaseng tao at mabilis silang maka-adjust sa anumang environment.
Hiling ng 23-year-old na si Kim Perez na maging flexible siya bilang aktor. Idolo niya ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz dahil kahit na anong role daw ay nagsa-shine ang aktor.
“I want to make a mark in acting. I want to leave a good impression with the viewers. Someday, kapag napanood nila ako sa isang movie or teleserye, they would think about my skills.
“I really idolize Mr. John Lloyd Cruz. When you say John Lloyd Cruz, people immediately think, ‘Magaling ’yan. That’s what I hope to achieve someday,” sey pa ni Kim.
Nasubukan na raw ang acting skills ni Kim noong mag-audition siya para sa isang upcoming drama series sa GMA. Nakapasa siya at magiging ka-partner raw niya sa naturang series ay ang co-SPARKADA niya na si Roxie Smith.
“I auditioned for it and I think it will be a good one. Pareho kaming nag-audition ni Roxie and we’re happy na kami ang napili. It’s a heavy drama so we’re really preparing for it. But we’re not allowed yet to reveal the details, so later na lang po kapag nagsimula na,” masayang kuwento ni Kim.
Bukod sa pag-arte, gusto ring maging mahusay ni Kim sa iba’t ibang fields ng pag-e-entertain ng maraming tao.
“You can’t just be good at acting. You also have to try singing, dancing and hosting, so you can take on more jobs and projects. That’s why we all have to be serious pagdating sa mga binibigay ng Sparkle na workshops sa amin. I would love to be good in everything na ipagawa nila sa akin.”
At dahil sa experience niya bilang model, alam ni Kim kung paano siya magiging presentable sa publiko, Makikita sa kanyang Instagram account ang iba’t ibang photo shoots niya for various magazines and print ads.
“I have also learned the importance of keeping yourself presentable even on simple trips outside your home. Some people may recognize you, so you have to be ready. You have to be friendly, so you can make a good first impression.
“On social media, well, there have been some mean comments, sinasabi nila na ordinary raw ako, I’m just one of those lang. Pero nakakatuwa rin kasi may mga nagtatanggol naman. Sabi, leading man material yan, talented yan, kaya abangan nyo ‘yan. So, salamat po sa mga nagtatanggol sa’kin dyan.
“Gusto ko rin na makilala nila pa nila ako. Masayahin po akong tao. I’m adventurous, mahilig gumala. I’m also very dedicated sa work ko.”
First showbiz experience naman ni Vince Maristela ay ang pagganap niya bilang batang Luis Manzano sa 2007 comedy film na Ang Cute Ng Ina Mo na pinagbidahan nila Ai-Ai delas Alas at Anne Curtis.
Hindi na raw ito masyadong maalala ni Vince dahil batang-bata pa raw siya noon.
“Hindi ko na po maalala na ginawa ko ’yung movie. I was like 7 or 8 years-old that time. Kapag pinapalabas siya sa TV, doon ko lang nakikita ang sarili ko,” natatawang k’wento ni Vince.
Now at 24, fresh start ito for Vince. After ilang years na maging male model, gusto naman niyang ma-discover ang iba pa niyang talents sa pagkakasali niya bilang SPARKADA.
“It’s a dream come true for me na makapasok ulit sa showbiz. Noong sinabi sa akin na kasama ko sa magiging SPARKADA, I was very emotional at that moment, nakaka-proud sa sarili. Siguro ‘yung best part do’n is nung nakita ko ‘yung mom ko na sobrang proud sa akin.
“Inisip ko talaga sila kasi ever since noong bata ako, pangarap ko na po talaga siya. Parati kong sinasabi sa parents ko na gusto ko maging artista. Noong natanggap ko na ‘yung balita, ’di ako makapaniwala, sobrang thankful po ako.”
Nasubukan agad ang kakayahan ni Vince sa acting dahil nakasama siya sa cast ng upcoming kilig-series ng GMA na LUV IS: Caught In His Arms kunsaan bida ang Sparkle love team na AlFia nila Sofia Pablo at Allen Ansay.
Gaganap si Vince bilang si Tristan Ferrell ang pinakamatanda sa Ferrell cousins sa kuwento ng serye.
Kuwento pa niya: “Masarap sa pakiramdam na makabalik ako sa acting and gusto ko ‘yung ginagawa ko dahil matagal ko na rin po siyang gusto at pangarap.
“Mas’werte rin ako na nakatrabaho ko sina Sofia at si Allen dahil ang gagaling nila umarte and grabe ‘yung guidance and tips na binigay nila sa amin kapag nasa eksena kami. Sinasabi nila sa amin parati na, ‘Own your space,’ ‘Huwag kang mahihiya,’ ‘Ilabas mo kung ano ‘yung gusto mong ilabas.'”
ikinatuwa rin ni Vince na maganda ang naging bonding nila noong mag-lock-in taping sila sa Baguio kamakailan.
“Maraming tumutulong sa amin kaya nakakatuwa. Halos lahat kami nagtutulungan at parang mas madali ‘yung trabaho kasi lahat kami naging close na po,” sey ni Vince sa iba pang co-stars ng serye na sina Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales at Tanya Ramos.
Kahit na nasa showbiz si Vince, aktibo pa rin siya sa modelling industry. Sa kanyang Instagram, makikita ang ilang photo shoots niya at parating handa si Vince physically sa anumang projects na ibigay sa kanya. Open din siya for online coaching para sa mga gustong ma-improve ang kanilang pangangatawan.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment