Mike Tan, inalala ang pagiging mabait sa kanya ng late comedian-director na si Phillip Lazaro

PHOTOS: @imiketan & @iamphilliplazaro on Instagram
Ayon kay Mike Tan, may nakalatag daw s’yang project sa susunod na buwan kung saan makakasama dapat sana n’yang muli si Direk Phillip, na una niyang nakasama sa teleseryeng Nagbabangang Luha noong 2021, pero hindi na ito mangyayari.
Sa kanyang recent Instagram post idinaan ni Kapuso actor Mike Tan ang nadaramang lungkot sa pagkamatay ng comedian-director na si Phillip Lazaro na naging malapit sa kanya.
Ayon kay Mike, may nakalatag daw s’yang project sa susunod na buwan kung saan makakasama dapat n’yang muli si Direk Phillip, na una niyang nakasama sa teleseryeng Nagbabangang Luha noong 2021, pero hindi na ito mangyayari.
“Di ko alam kung saan sisimulan… Nalulungkot ako dahil umasa akong makakatrabaho kita ulit ngayong darating na Agosto. Pero masaya din ako dahil naging kaibigan kita kahit sa maikling panahon,” lahad ng aktor sa kanyang IG post.
Kalakip nito ang photo nilang dalawa, and the two videos ng kanilang kalokohan sa set ng afternoon series nila noon na Nagbabagang Luha.
“Naalala ko noong lock-in taping, pinlano niyo ni Rayver [Cruz] na i-kiss niya ko sa isang madramang eksena. Dami mong kalokohan, direk!” pagpapatuloy ni Mike.
“Pero naaalala ko rin na nung minsang kumakain tayo, napasabi ka ng ‘Nakakawala ka ng crush, Mike Tan, kadiri ka!’ dahil napa-[utot] ako. Grabe ang tawa ko na nabiktima kita.”
Pero kung may ipinagpapasalamat daw s’ya dito, ito ay dahil trinato s’ya nito bilang kaibigan.
“Pero ang bait mo sa akin, Direk Phil. Kaibigan talaga ang trato mo sa akin,” saad pa ng StarStruck Season 2 graduate.
“Kahit sa Family Feud gusto mo pa kong isama sa team mo. Natuwa nga ako kahit pakiramdam ko hindi naman ako qualified na makasama sa inyo nina Direk Gina [Alajar] pero sabi mo dapat kasali ako,” pagre-recall n’ya.
“Mami-miss ko rin ang mga random text exchanges natin para pag-usapan ang buhay, trabaho at kung anu-ano pa,” dagdag pa n’ya.
Napag-usapan pa nga daw nila ang dapat n’yang gawin kapag nagsimula na sila sa taping sa susunod na buwan. Hindi n’ya daw inakalang iyon na pala ang huling beses na makakausap n’ya ito.
“Weeks ago lang, nagbibilin ka pa sa kin ng mga ine-expect mo sa character ko pagdating ng August taping. Iyon na pala ang huli nating pag-uusap,” malungkot na pagbabaliktanaw ni Mike.
“Mahal kita, Direk Phil. Mami-miss kita bilang kaibigan at direktor ko… You’ll never be forgotten. Rest in peace,” pagtatapos n’ya.
“Excited pa naman ako na makasama siya ulit,” malungkot naming komento ni Glaiza de Castro, na co-star n’ya sa Nagbabagang Luha, sa kanyang IG post.
Sumakabilang buhay si Direk Phillip sa edad na 52 nito lang July 11 because of multiple organ failure.
YOU MAY ALSO LIKE:
Mike Tan excitedly shares daughter’s first word
Pika’s Pick: Mike Tan introduces his second baby girl!
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment