Matapos mag-anunsyong may tell-all interview ukol sa hiwalayan nila ni Victor Consunji, Maggie Wilson, binulgar na ipinapa-padlock at pinalalayas umano siya nito sa tinitirhang bahay

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang ipinost na video ng beauty queen/actress/businesswoman na si Maggie Wilson.

Doon ay ipinarating niya sa publiko ang umano’y dinanas na “harassment” at intimidation” ng kanyang kapamilya at kasambahay.

May mga dumating kasing tauhan ng VCDC (Victor Conjunji Development Corporation) sa kanilang tinutuluyang tahanan sa Taguig na ayon kay Maggie ay walang abiso o seizure warrant manlang na dala.

Estranged husband ni Maggie si Victor Consunji, founder at chief executive officer ng VCDC na hiwalay na kumpanya sa itinatag ng kanilang angkan na DMCI Homes.

Kasalukuyang nasa ibang bansa ngayon si Maggie kung kaya’t ang kanyang kapatid na babae at mga kasambahay ang naiwan at inabutan sa kanyang bahay ng mga taga-VCDC kasama ang ilang tauhan ng barangay ng Bambang, Taguig, na ayon kay Maggie ay armado ng mga batuta.

Sinimulan ni Maggie ang Instagram Stories post niya kagabi, July 15, ng video post niya kung saan tila nagpa-interview siya. Nilakipan niya ito ng caption na: “When someone tries to back you in to a corner. I’m not scared to tell all” at “what really happened last summer” na tila anunsiyo niya sa nalalapit na pagpapalabas ng kanyang tell-all interview.

Kasunod noon ang IG story post na nagsasabing:  “After posting the previous story, this is what happened.”

At saka niya ipinost ang kanyang mahabang video habang inilalahad ang ayon sa kanya ay illegal na pagpapasarado ng kanyang bahay.

Huminga muna nang malalim si Maggie bago nagsalita.

“Approximately at 4pm today, Bernie Mendoza, Vice President of VCDC, Victor Consunji Development Corp. and Ronald Reyes, both members of VCDC, accompanied by the local barangay of Bambang, Taguig in behalf of Victor Consunji and DMCI entered my home illegally with no notice, no warrants and no proper paper work,” panimula ni Maggie sa video. 

Iginigiit umano ng mga dayo, sa pangunguna ni Mr. Bernie Mendoza, na ang property ay pag-aari ng DMCI, or in effect, ng pamilya Consunji, at nais na itong bawiin mula kay Maggie at may kautusan silang sinusunod na iyon ay ipa-padlock na.

“They stated that the property is owned by the DMCI despite me explaining over the phone on multiple occasions that there is a contract that exists on the property—signed by Bernie Mendoza himself.

“As you will see in the series of videos that I will post, they entered my home and took videos of personal belongings of those of myself and my family illegally.”

Warning pa niya sa publiko, lalo na sa mga homeowners ng anumang DMCI at VCDC  properties, ay maaring dumanas ng ganitong klase ng harassment umano.

“This is a very real threat and it could potentially happen to you on VCDC and DMCI Land despite having the correct paper work in place. 

“After being inside my home, they we’re furnished with a copy of the contract of which Bernie, representing DMCI and VCDC, then acknowledged. They then laughed very loudly and left the property.”

Ayon naman sa nagpakilalang si Bernie Mendoza sa nakuhanang video, nandoon lamang sila para i-serve ang kautusan ng “DMCI” at ang mga barangay officials na kasama nila ay magsisilbing witnesses lamang sa pagdo-dokumento nila ng mga kagamitan sa loob.

Ani Mr. Mendoza: “Since pag-aari po ito ng DMCI, ise-secure po namin. Ang gagawin lang po namin, papalitan lang po namin ’yong padlock. At kung ano man po ’yong mga gamit na nasa loob, kung hindi man po sa amin, ay puwede pong doon tayo sa opisina [mag-usap] para makuha.”

Ani Maggie, maswerte raw siya na wala siya doon pero naging traumatic umano sa kanyang kapatid, pamangkin, at kasambahay ang nasabing “intimidation” ng mga taga-VCDC.

“Luckily, I was not in the property at that time as you can see from the video. Unfortunately, my sister and five-year-old cousin and members of my household staff we’re subject to harassment and intimidation.  

“As you can hear from the video, they asked if I was present and then proceeded to enter my house with the barangay carrying batons. I fear that if I was there, they would’ve have used that on me. I’m currently away on business and I’m scared from mine and my family’s life.”

Matapos noon ay nanawagan siya sa gubyerno at sa publiko na tulungan siyang magpakalat ng awareness ng mga ganitong uri ng umano’y pananakot.

“I urged our government and others to please step in and do something immediately. I plead with you and the online community to help me raise awareness that this kind of human rights harassment happens in the Philippines, especially to women—day in and day out.”

Ilang oras naman pagkatapos na mai-post ni Maggie ang kanyang video ng pagsasalaysay, muli siyang nag-update para i-share ang actual na footage nang pag dating ng mga taga-VCDC hanggang sa pagpasok ng mga ito sa loob ng kanyang bahay. Ipinost din niya ang ipinadalang video ng kanyang kapatid kung saan ipinapakita nitong pinutulan na ng kuryente ang kanilang bahay. Bukod tanging ang bahay lamang nila ang walang kuryente habang maayos naman ang sa mga kapitbahay.

Ipinakita rin kung paanong tumawag ang kanyang kapatid sa Meralco at ayon sa nakausap nito ay ipinatanggal umano ng “may-ari” ang kanilang circuit breaker.  Sila nalang umano ang makipag-usap sa may-ari

“Now the electricity has been cut in my home while my neighbors have power,” pagmamaktol ni Maggie sa dinaranas na unfortunate incident.

Kung tama naman ang nakuha naming impormasyon, ang bahay na tinitirhan ni Maggie at gustong i-secure ng VCDC ay isa umano sa mga conjugal properties nina Maggie at Victor.

Samantala, wala pang update si Maggie kung tuluyan bang nai-padlock ang contested property at kung gayun man, ay saan kaya nagpalipas ng gabi ang kanyang kapatid, pamangkin at mga kasambahay.

BACK STORY

September 2021 nang isapubliko nina Maggie at Victor ang kanilang hilawayan matapos ang halos 11 years na pagsasama. Ang anunsyo ay idinaan nila sa isang joint statement na ipinost ni Maggie sa kanyang social media.

Doon ay inilahad nila na bagama’t hiwalay na sila ay maayos ang kanilang co-parenting setup sa nag-iisang anak nilang si Connor.

“We want you to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate,” saad ni Maggie sa Instagram noong September 2021. “It’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us.

“We will always love and support each other no matter what. We will always be family as we share our beautiful son, Connor, together.

“We have remained really good friends and partners and will continue to do so. Both of us want nothing more than for each other to be happy.”

However, by December of that same year ay may panibagong post si Maggie sa Instagram, where she hinted na hindi talaga maayos ang kanilang paghihiwalay ng property mogul.

Aniya, may matinding dahilan kung bakit sila humantong sa hiwalayan ni Victor at naghihintay lang umano siya ng tamang panahon para isiwalat ang lahat—complete with receipts o pruweba.

Narito ang phayag ni Maggie noong December 26, 2021: “There are strong reasons why I left and if you think I left because of another guy, you have no idea. Those reasons will be revealed in time. 

“I have been put through so much over the last 3 months and more so the last few years. 

“Judge me all you want. If you think you know, you haven’t seen anything yet. I have an entire vault just filled with receipts.”

Ang tinutukoy ni Maggie na lalaking maaring ibintang bilang third party umano sa kanilang hiwalayan ay ang business partner niyang si Tim Connor.

Isa pang inalmahan ni Maggie noon ay ang paglabag umano ni Victor sa usapan nilang papayagan siyang makapiling ang anak nilang si Connor noong Kapaskuhan.

“Christmas Day didn’t pan out as planned. I had planned and cooked a beautiful dinner for family and friends with my son over,” sumbong niya sa publiko via Instagram.

“Unfortunately, I was denied that. Over Xmas eve and Xmas day. I was refused time with my son Connor despite an agreement being made prior.

It’s been 48 hours, I didn’t get to open presents with him or even have a meal with him. 

“This kind of situation sadly happens in ‘certain’ families and as is seen as ‘normal.’”

Nagbitiw din ng cryptic message si Maggie na may kinalaman umano sa kanyang safety.

“Lastly, if anything happens to me or anyone close to me, you know where to look.”

Marahil, dahil sa post niyang iyon ay bigla ring ipinadala sa kanya ang anak that day.

Fast forward to the present, July 2022, mahihinuhang hindi pa rin na-settle ang mga hindi pagkakaunawaan between Maggie and Victor, bagkus ay tila lalong lumalala.

Kung paniniwalaan ang side ni Maggie sa kanyang mga Instagram Stories, lumalabas na ang pagdating ng mga tauhan ng DMCI sa kanilang bahay para i-padlock ito ay epekto ng kanyang anunsyo na malapit nang malaman ng publiko ang mga tunay na naganap sa kanilang pagsasama.

YOU MAY ALSO LIKE:

Maggie Wilson, “still broken” matapos ang marital breakup “but I’m putting back the pieces together slowly.”

Maggie Wilson, pinagkaitan daw na makasama ang anak ngayong Pasko; may pahiwatig ding p’wedeng malagay sa peligro ang buhay?

Maggie Wilson at Victor Consunji, hiwalay na pero nanatiling magka-ibigan

Maggie Wilson reveals why she continues to work despite having the luxury to just “sit back and enjoy life’s pleasures.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency