Mahabang paliwanag ni Janine Berdin sa ikinapikong Facebook cover ni DJ Loonyo; hindi pa rin lusot sa celebrity dancer: “Ingat tayo ma’am, baka mag-boomerang yan sayo.”


Paliwanag ni Janine Berdin: “People use my name to poke fun all the time as well. Hell people talk shit and laugh at me as well. I’m not saying that’s what the meme was doing kasi it wasn’t meant to be degrading at all,” esplika n’ya. “[B]ut yeah! It’s what comes along when you’re a public figure. [N]o big [deal]! [S]mile po kayo,” she added. Sagot naman ni DJ Loonyo: “Kahit pinagtatawanan, binabash, at nilalait na sa comment, KATUWAAN PARIN, grabe yung mindset.”

PHOTOS: @xoxojanineb & @djloonyo on Facebook

Paliwanag ni Janine Berdin: “People use my name to poke fun all the time as well. Hell people talk shit and laugh at me as well. I’m not saying that’s what the meme was doing kasi it wasn’t meant to be degrading at all,” esplika n’ya. “[B]ut yeah! It’s what comes along when you’re a public figure. [N]o big [deal]! [S]mile po kayo,” she added. Sagot naman ni DJ Loonyo: “Kahit pinagtatawanan, binabash, at nilalait na sa comment, KATUWAAN PARIN, grabe yung mindset.”

Kapwa nag-trending sa social media sina DJ Loonyo at Janine Berdin ng dahil sa isang meme.

Hindi kasi ikinatuwa ng dancer-choreographer ang nang ginawang cover photo ng singer-songwriter sa kanyang Facebook page nitong July 12 ang isang meme bearing his face, name, at isang biro na may kinalaman sa pagpapalit ng pangalan ng international airport ng bansa.

Kung susuriin, screenshot ito ng isang pabirong online petition na tila napagtripan ng ilang netizens. Ang petisyon ay naglalayong palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA at isunod ito sa screen name ng celebrity dancer.

Halaw ito sa isa pang viral issue about an actual proposed bill in Congress na palitan nga ang pangalan ng NAIA to Ferdinand Marcos International Airport na akda ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Sa case ng nag-viral na meme ni DJ Loonyo, nakalagay pa doon ang photo ng nasabing social media personality at ang mga katagang “DJ Loonyo is the only hero (hawak bay_g dance step).”

Bagama’t katatawanan lang ang lahat, napikon dito si DJ Loonyo at diretsahan n’yang pinadalhan ng mensahe si Janine sa Instagram. 

“Ma’am sorry. May natitira pa po ba kayong respeto? May nagawa ba akong mali?” usig n’ya sa singer.

SCREENSHOT: @djloonyo on Instagram

Sumagot naman dito ang Kapamilya artist at sinabing nakita lang n’ya online ang nasabing meme at natuwa s’ya dito kaya ipinost n’ya ito as her Facebook cover. 

“Hala Kuya, Hello po! It’s really just a meme that I found super funny. I found it online. I didn’t really mean any harm,” tugon naman ni Janine. 

“Ano po kaya context ng meme? (smiley) [I] just thought it meant to change the name of the airport to you. Like poking fun (teeth) Super random hahaha,” dagdag pa n’ya.

Pagdidiin pa ni Janine, hindi n’ya intensyon na manakit sa paggamit ng meme na ito.

“Really didn’t mean any harm! I don’t think people found it degrading to you as well po! (smiley) But if you want I could always take it down Kuya!:),” saad pa n’ya.

Ini-screenshot ni DJ Loonyo ang usapan nilang ito ni Janine at ipinost sa kanyang Instagram Stories kung saan nilakipan n’ya ng komento sa ginawa ng singer.

“Nakakatakot yung utak ng ganitong tao. Pag kayo ginanyan ISSUE, HEADLINE AND BASH AGAD. Katuwaan? Tapos binabash and pinagttripan yung taong involved?” naiinis na sabi n’ya.

“@janineberdin Ur better than that for sure. Godbless your soul. Weird shit,” he added.

SCREENSHOT: @djloonyo on Instagram

Sinalag naman ito ni Janine sa kanyang IG Story. Ipinagpilitan n’yang katuwaan lang ito mula sa isang online petition na hindi naman daw siniseryoso ng publiko.

“Oh kuya, if you really wanna talk about publicly…I really wanna know how you understood the meme,” aniya.

“I just thought it was a petition to just literally change the airport name to you. It’s satire. It’s poking fun. It’s random. No one would actually take it seriously,” paliwanag pa ni Janine. 

May gumagawa rin naman daw ng ganu’n sa kanya pero dedma lang daw s’ya at hindi s’ya napipikon. Kakambal na daw kasi ’yon ng kasikatan nila.

“People use my name to poke fun all the time as well. Hell people talk shit and laugh at me as well. I’m not saying that’s what the meme was doing kasi it wasn’t meant to be degrading at all,” esplika n’ya.

“[B]ut yeah! It’s what comes along when you’re a public figure. [N]o big [deal]! [S]mile po kayo,” she added.

SCREENSHOT: @janineberdin on Instagram

Ipinost din ito ni DJ Loonyo sa kanyang Facebook page kung saan mula n’yang pinatutsadahan si Janine sa comment section. 

“Sige po ma’am ikaw na tama,” balik n’ya sa Pinay singer. 

“Kahit pinagtatawanan, binabash, at nilalait na sa comment, KATUWAAN PARIN, grabe yung mindset.”

Paalala pa n’ya kay Janine, “Ingat tayo ma’am, baka mag-boomerang yan sayo, Pinagdaanan ko na yan, nadapa, natuto at gino-goal mas maging better.

“Sana ganun din sayo, hindi yung pag walang magawa, ay manttrip ng iba.”

SCREENSHOT: @djloonyo on Facebook

Halatang napikon nang todo si DJ Loonyo dahil sa bumira pa s’ya sa isa n’yang comment patungkol pa rin sa nasabing petisyon. 

“Kung wala kayong magawa, pagtripan niyo sarili niyo wag ibang tao. Maging sensitive tayo minsan, di natin alam pinagdadaanan ng isa’t isa satin,” bwelta n’ya. 

“Ini-expect ko yung mga matagal na or kahit papano nauna sa industriya ay kahit papano alam ang ‘RESPETO NA LANG SANA’,” himutok pa ng dancer-choreographer.

“Pero para katuwaan sigeeee, Go lang, kahit iba na yung napuntahan ng KATUWAAN. Weird shit!!!”

Balik pa n’ya kay Janine, “PANGALAN MO SAYO YUNG AIRPORT, Baka ikaw yung may gusto hindi ako.”

SCREENSHOT: @djloonyo on Facebook

At para mapakalma si DJ Loonyo, gumawa ng meme si Janine kung saan pinalitan n’ya ang pangalan ng NAIA gamit ang sarili n’yang pangalan.

Binisita namin ang link para sa nasabing online petition to change NAIA’s name to DJ Loonyo’s at totoo pala itong naka-post sa change.org na as of this writing, thanks to the issue, ay meron nang 1650 na pumirma.

YOU MAY ALSO LIKE:

Tawag ng Tanghalan champion Janine Berdin breaks silence on showbiz hiatus

DJ Loonyo, dumepensa sa bansag na “manggagamit” ng kanyang mga fans-turned-bashers sa Twitter

Lauren Young chides DJ Loonyo and his take on the use of face masks during the COVID-19 pandemic; claps back at bashers defending his statement

DJ Loonyo apologizes for “confusion caused” by his COVID-19 mass testing comment

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency