Lolit Solis, na-touch sa padala ni Jane de Leon sa kanya sa ospital; “Kahit na hindi kami personal na magkakilala… So touching para sa akin dahil nag-effort siya.”


Base sa recent posts ng veteran showbiz writer, na happy ngayon sa padala sa kanya ni Jane de Leon, ay magpapabalik-balik s’ya sa ospital para mag-dialysis kaya pahinga muna s’ya sa online show nila ni Mr. Fu.

PHOTOS: @akosilolitsolis & @iamjanedeleon on Instagram

Base sa recent posts ng veteran showbiz writer, na happy ngayon sa padala sa kanya ni Jane de Leon, ay magpapabalik-balik s’ya sa ospital para mag-dialysis kaya pahinga muna s’ya sa online show nila ni Mr. Fu.

Nagkaroon ng appreaciation post sa Instagram ang veteran showbiz writer/insider and talent manager na si Lolit Solis para sa Kapamilya actress na si Jane de Leon

Sa nasabing post n’ya ngayong araw, July 27, kinuwento niya na bagama’t hindi pa umano sila nagkakilala nang personal ni Jane ay naging concern ito sa kanya. 

“Gusto ko mag thank you kay DARNA, Jane de Leon, Salve. Pinadalhan niya ako ng something sa hospital, kahit hindi pa kami personal na magka kilala,” panimula ni Manay Lolit sa kanyang post kalakip ang photo ng aktres sa harap ng Darna mural painting. 

Hindi na rin n’ya binanggit kung ano ang ipinadala sa kanya ni Jane pero naantig daw s’ya sa sweet gesture nito. 

“So touching para sa akin dahil nag effort siya, at talagang nasa utak ko iyon gesture niya na ginawa,” saad pa n’ya.

Pagtitiyak pa ni Manay Lolit, maihahanay si Jane sa mga naglalaking artista ng bansa dahil sa bukod kanyang ganda at talento ay maganda rin ang ugali nito. 

“Nagagandahan ako kay Jane de Leon ng mapanuod ko sa TV, malakas ang screen presence niya, maganda ang boses niya, at palagay ko magiging malaki siyang star,” she wrote. 

“Big project ang Darna na pag binigay mo sa isang baguhan will really stir interest. Tiyak na magiging important star si Jane de Leon.

“At itong ugali niya na nagri reach out isang malaking plus factor sa isang artista na tulad niya,” saad pa n’ya. 

“Thank you Jane, well appreciated , salamat #classiclolita #takeittakeitmeganon,” pagtatapos ni Manay Lolit.

Isinugod si Manay Lolit sa FEU-NRMF Medical Center sa Novaliches, Quezon City noong madaling araw ng July 17 dahil sa hindi s’ya makapagsalita. 

Base sa recent posts ng veteran showbiz writer ay magpapabalik-balik s’ya sa ospital para mag-dialysis kaya pahinga muna s’ya sa online show nila ni Mr. Fu

Get well soon, Manay Lolit.

YOU MAY ALSO LIKE:

Gulay-seryeng patutsada nina Lolit Solis at Cristy Fermin kay Vice Ganda, tuloy pa rin; latest hirit ni Lolit: “Huwag kang patola, at lalong huwag kang ampalaya.”

Lolit Solis, wala daw personal na galit kay Bea Alonzo; nangakong titigilan na ang pagpapasaring dito

Lolit Solis, nahihiwagaan sa kinahinatnan ng relasyon nina Carla Abellana at Tom Rodriguez: “Nakaka-curious kung ano ang naging discovery nila sa isa’t isa.”

Muling banat ni Lolit Solis sa pagiging “mega star of all season” umano ni Bea Alonzo: “Talagang ikaw na ang reyna, queen, madam, boss of all time, bongga ka.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency