David Bunevacz, from Calabasas to kalaboso? Guilty sa pangga-gantso at panglulustay ng salapi ng iba sa Amerika


Taong 2007 nang lisanin nila ni Jessica ang Pilipinas nang maakusahan siya for embezzling money mula sa cosmetic surgery clinic na tinulungan n’yang maitayo noon.

PHOTOS: @jessicabunevacz on Facebook

Taong 2007 nang lisanin nila ni Jessica ang Pilipinas nang maakusahan siya for embezzling money mula sa cosmetic surgery clinic na tinulungan n’yang maitayo noon.

Nahaharap ngayon sa pagkakakulong na aabot sa 40 taon ang dating decathlete na si David Bunevacz.

Ito ay matapos s’yang umamin sa dalawang krimen na may kinalaman sa panloloko n’ya sa mga cannabis-industry investors sa Amerika, kung saan matagal na siyang naka-base.

Sa pahayag ng US Attorney’s Office ng Central District of California, as reported by the Rolling Stone website, nag-plead bilang guilty si Bunevacz sa pang-i-scam n’ya at paglulustay ng tumataginging na $28 million.

Sa kanyang plea agreement, inilahad ng 53-year-old Calabasas, California resident na gumamit s’ya ng mga fake bank statements, invoices, and purchase para mapaniwala ang mga mamumuhunan sa kanyang fake cannabis vaping business. 

Napaniwala n’ya rin ang mga investors sa pagkakaroon n’ya ng kasosyo umanong Chinese manufacturer para sa inimbento n’yang negosyo.

Tinatayang mula $37,166,737 hanggang $45,068,227 ang nalikom ni Bunevacz mula sa mahigit sampung investors para sa kanyang gawa-gawang vaping business. 

Ayon sa U.S. Attorney’s Office, ginamit ni Bunevacz ang pera hindi para pondohan ang sinasabi n’yang negosyo kundi para tustusan ang kanyang extravagant lifestyle.

Kabilang na dito ang pagbili ng bahay sa Calabasas, Las Vegas, mga mamahaling sasakyan, alahas, designer handbags, kabayo, at paggastos na nagkakahalaga ng $200,000 para sa birthday party ng anak niyang babae. 

Inamin ni Bunevacz na nakapaglustay nga s’ya ng at least $28,409,112.

Naaresto s’ya nitong April 2022, ayon sa ulat ng www.rollingstone.com.

At nitong Lunes nga, July 18, nag-plead ng guilty si Bunevacz sa isang count ng securities fraud at isang count ng wire fraud. Ang parehong krimen ay may statutory maximum penalty na 20 years na pagkakakulong each.

Therefore, nahaharap si Bunevacs sa pagkakakulong na posibleng  umabot ng 40 years.

Sa darating na Nobyembre ang kanyang sintensya.

Si Bunevacz, na mister ng dating aktres na si Jessica Rodriguez, ay dating decathlete na naglaro noon para sa Team Philippines sa Southeast Asian Games. 

Napanood din s’ya sa ilang pelikula noong early 2000s gaya ng “Tusong Twosome” nina Andrew E. and Janno Gibbs, at “Buhay Kamao” ni Robin Padilla

Taong 2007 nang lisanin nila ni Jessica ang Pilipinas nang maakusahan siya for embezzling money mula sa cosmetic surgery clinic na tinulungan n’yang maitayo noon.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency