Bianca Gonzalez sa mga nadismayang Kakampinks: “Hindi ako nag ‘change sides’….”


“I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan,” ani Bianca Gonzalez sa kanyang tweet noong Lunes, July 25.

PHOTOS: @iamsuperbianca on Instagram

“I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan,” ani Bianca Gonzalez sa kanyang tweet noong Lunes, July 25.

Nilinaw ng TV host at proud Kakampink na si Bianca Gonzalez na hindi pa rin nagbabago ang political stand n’ya matapos n’yang marinig ang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo nitong nagdaang Lunes, July 25.

Tila may mga nadismaya kasing Kakampinks sa Kapamilya TV host nang magbigay s’ya ng positive comments sa social media ukol sa mga planong inilatag ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) para sa bansa sa kauna-unahan nitong SONA noong Lunes, July 25.

“That was a good SONA for PBBM. Here’s hoping this admin delivers on the promises, para sa Bayan,” simpleng komento ni Bianca na ipinost n’ya sa Twitter. 

Kahit na si former Vice President Leni Robredo umano ang sinuportahan n’ya at naniniwala s’yang dapat panagutin ang pamilya Marcos sa kanilang mga kasalanan noon, approved daw sa kanya ang laman ng SONA ni PBBM. 

“I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan,” dagdag lahad pa ni Bianca. 

May mga Kakampinks na sumalungat sa mga tweets na ito ni Bianca. 

May mga nagsabing nakukulangan sila sa mga isyu ng bayan na tinalakay ng pangulo sa SONA nito. 

May naglahad din na wala pa man daw napapatunayan ang bagong administrasyon ay “all praises” na umano si Bianca dito.

May mga nagtanong din kung ano ang nangyari sa TV host at tila nagbago daw ang ihip ng hangin sa kanya. 

Narito ang ilang reactions ng netizens: 
 

Paliwanag naman ni Bianca, hindi na daw s’ya dapat makikisali pa sa usaping pulitika nang matalo sa eleksyon si former VP Leni pero mas maigi na daw na maging mapagbantay sa bagong administrasyon. 

“Like many others, when Ma’am Leni lost the elections, I wanted to ‘not care about politics anymore.’ Pero hindi nagtagal yun dahil lahat tayo, may pakialam sa bansa. Mabuti nang mapagmatiyag sa administrasyon, para mabantayan ang mga pangako sa Bayan. Tuloy ang People’s Movement,” pahayag n’ya. 

At dagdag na pagka-klaro pa n’ya kahapon, July 26, na hindi umano nabago ang kanyang political stand matapos marinig ang unang SONA ni PBBM. 

“Hindi ako nag ‘change sides’ at hindi naiba ang paninindigan ko dahil sa isang speech,” pagdidiin ni Bianca. 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bianca Gonzalez-Intal shares wonderful story behind daughter Carmen’s baptismal gown

Pika’s Pick: Bianca Gonzalez expresses excitement as husband JC Intal will be having first solo exhibit as a painter!

Bianca Gonzalez is the most supportive wife as she writes heartfelt post to husband JC Intal who recently retired from the PBA

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency