Arnell Ignacio, Direk Gina Alajar, discoverer na si Andrew de Real at iba pang katrabaho ng comedian at director na si Phillip Lazaro, nagdadalamhati sa biglaan niyang pagpanaw

PHOTOS: Arnel Ignacio, Gina Alajar, Marina Benipayo, and Andrew de Real on Facebook
Unang nakilala bilang stand-up comedian si Phillip noong 1990s dahil pioneer siya ng sikat na comedy bar na The Library sa Malate, Manila. Ito rin ang nagbukas ng opportunity sa kanya para makapagtrabaho sa Singapore. Pagbalik n’ya sa Pilipinas ay napabilang s’ya sa TV series na Villa Quintana (1995). Dito na s’ya nagsimulang mapanood sa iba’t ibang mga programa sa telebisyon at pelikula.
Ginulat ni Prima Donnas co-director at beteranong komenyante na si Phillip Lazaro ang showbiz industry kaninang umaga, July 11, nang kumalat ang balitang pumanaw na siya. Una ay sa mga private group messages lamang kumalat ang balita hanggang kumpirmahin na ito ng kanyang pamangkin na si Chico Lazaro Alinell sa GMA News.
Multiple organ failure umano ang ikinasawi ni Phillip na may isang linggo na palang namamalagi sa ospital. He was only 52 years old.
Sa post naman ni Chico Lazaro Alinell sa Facebook, sinabi nyang mami-miss n’ya ka-bonding ang kanyang Tito Phillip.
“We’ll surely miss those smile tito and our drunk moments, i miss you so much tito Phillip Lazaro,” ani Chico.
Unang nakilala bilang stand-up comedian si Phillip noong 1990s dahil pioneer siya ng sikat na comedy bar na The Library sa Malate, Manila. Ito rin ang nagbukas ng opportunity sa kanya para makapagtrabaho sa Singapore.
Pagbalik n’ya sa Pilipinas ay napabilang s’ya sa TV series na Villa Quintana (1995). Dito na s’ya nagsimulang mapanood sa iba’t ibang mga programa sa telebisyon at pelikula.
Sa mga huling taon n’ya sa showbiz ay napanood s’ya sa ilang Kapuso teleserye, gaya ng I Heart Davao (2017), Contessa (2018), at Beautiful Justice (2019).
Maliban sa pag-arte, pinasok na rin n’ya ang pagdi-direk bilang second unit director sa ilang serye ng GMA-7 tulad ng Prima Donnas (2019), Nagbabagang Luha (2021), at ang Widow’s Web (2022) na siyang pinakahuli n’yang proyekto.
Sa pagkawala ni Phillip ay bumuhos ang lungkot, dasal, pasasalamat, at pakikiramay sa mga naiwan n’ya sa buhay mula sa kanyang mga kakilala, kaibigan, at mga kasamahan sa showbiz.
Kabilang na dito ang kapwa n’ya komedyante na si Arnell Ignacio na matagal na n’yang kaibigan mula noong mga bata pa sila.
“[A]ll spinning of gears in my head stopped, [I] have known you since you were in the elementary grades and me , in high school… last time tayo nagtrabaho sa la union…yes as usual it was fun ..working with you… life.. full of it,” pagre-recall ni Arnel sa memories nila together. “Rest in peace my friend Phillip Lazaro.”
Ang kanya namang mentor na si Andrew de Real, ang may-ari ng The Library kung saan siya nagsimula, ay hindi na raw nakatulog magmula nang malaman ang balita.
Aniya, he’s privileged to have seen Phillip’s last stand-up comic act na ginanap lamang last June 21 bilang selebrasyon ng anibersaryo ng Library at reunion nilang mga nagtrabaho doon.
“You delivered a damn good performance,” papuri niya sa kaibigan sa kanyang Facebook post.
Narito ang kabuuan:
“Di na nakatulog after receiving a call from Oscar Arnold G. Anota ng 9am at ipa alam na wala ka na.. flash back bigla all our good memories, how i discovered and pushed you to try Stand up comedy. Ayaw mo pero mahusay ako mag convince.
“And you made it big in the Industry pero di ka pa din nakakalimot bumalik sa iyong pinagmulan and second home na The Library. You always make me proud! At nung last june 21 anniversary ng library at reunion ng mga entertainers held at Comic Ave personal kang tumawag na pupunta ka and you delivered a damn good performance. Swabeng joke, witty lines, tatak philip lazaro. I know how much you missed performing on stage with live audience at binigay mo naman. Yun na pala yung last… Salamat Phi.. You may now Rest in Peace…”
Mami-miss naman daw ng model-actress na si Marina Benipayo ang mga tsikahan nila ni Phillip.
“I will really miss our chats, Phillip. Rest in God’s loving arms, my dear friend,” malungkot at maikling mensahe ng aktres sa kaibigan.
Hindi naman daw kakalimutan ng aktres na si Jan Marini pagkakaibigan nila ni Phillip ngayong wala na ito.
“Sabi nga ng favorite song mo, ‘I am so happy I met you.’ And I will never ever forget you. Thank you for 20 years of friendship. I love you, Phi,” ani Jan.
Itinuring naman ni Neil Coleta na karangalan ang makatrabaho si Phillip sa pinakahuli nitong Kapuso serye.
“We love you direk Phillip Lazaro isang karangalan makatrabaho ka sa widow’s web REST IN PEACE po,” tribute ni Neil sa late comedian-director.
Ang main director naman ng Prima Donnas na si Gina Alajar ay nagpasalamat sa pagmamahal na ipinadama sa kanya ng co-director sa maiksing panahon ng kanilang pagsasama.
“I love you Phi…alam mo yan. I lost another good friend in you…wala ng mangiinggit sa akin at wala na akong iinggitin…salamat sa iyong pagmamahal na damang dama ko kahit sandali pa lang tayo nagkasama…rest in peace my dear friend.”
Narito ang ilan pang mga taga-showbiz na nagpaabot ng kanilang pakikidalamhati sa pagpanaw ni Phillip.
Rest in peace, Direk Phillip.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment