SPARKADA boys Anjay Anson, Jeff Moses, at Larkin Castor, inspired kay Alden Richards

Idol at inspirasyon ng SPARKADA boys na sina Anjay Anson, Jeff Moses, at Larkin Castor si Asia’s Multi-Media Star Alden Richards.

Ang mga na-achieve daw ni Alden sa kanyang career bilang artista at ang pagiging role model ang gustong masundan na yapak ng tatlong baguhan.

Kinabiliban din nina Anjay, Jeff, at Larkin ang pagiging simpleng tao ni Alden sa kabila ng pagiging sikat nito.

Para kay Anjay, ang magandang diskarte ni Alden sa career nito ang hinahangaan niya rito.

“Si Alden po ‘yung pinaka-nakikita ko na super simple niya lang po, and ang galing niya sa craft niya. Gusto ko po ‘yung mga technique niya. 

“Sana po makatrabaho ko siya, at least para ma-guide niya rin po ako, and malaman ko rin po kung paano ‘yung ginagawa niya kasi I really love his craft po and super natutuwa po ako sa kanya.”

Para naman kay Jeff, ang mga roles ni Alden sa mga pinagbidahang teleserye sa GMA ang gusto niyang magawa balang-araw.

“Gusto ko po magkaroon ng roles na same sa kanya tulad ng superhero (Victor Magtanggol) at gusto ko rin maging leading man in the future. 

“Isa siya sa mga pinaka-idol ko sa GMA, and I’m looking forward din po na makatrabaho siya soon. And also, mahalintulad ‘yung sarili ko sa kanya. Kung hindi man, like magkaroon din ako ng sarili kong path na tulad kay Alden.”

Para naman kay Larkin, nagustuhan niya kay Alden ay ang pagiging natural nito sa lahat ng bagay.

“Yung dating po niya parang kaya niya pong dalhin ‘yung sarili niya. Kapag tuwing meron siyang trabaho, binibigay niya lang, parang natural lang sa kanya ‘yung ginagawa niya, parang gustong-gusto niya.

“Gusto ko rin po ma-reach ‘yung gano’ng point sa career ko na nandoon na ako, ginagawa ko lang kung saan ako masaya.”

Para mas makilala natin sina Anjay, Jeff at Larkin, heto ang kanilang background…

Anjay is 19-years-old at nabigyan siya ng magandang role sa naging top-rated suspenserye ng GMA na Widows’ Web kunsaan nakipagsabayan siya sa pag-arte kina Carmina Villarroel, Ashley Ortega, Adrian Alandy, Vaness del Moral, Pauline Mendoza, at Ryan Eigenmann.

Lumabas na rin si Anjay sa isang episode ng Regal Studio Presents at sa music video ng single ni Denise Barbacena na “Last Thing I’d Do.” Segment host din si Anjay ng GMA morning show na Unang Hirit.

Sa Tiktok na-discover si Anjay at nabago na nga raw ang takbo ng buhay niya dahil sa pag-audition niya sa Sparkle GMA Artist Center.

“I was discovered through TikTok. Nag-trend po siya nun, parang glow-up video ko po ’yun ng picture ko from before. Nag-audition din po ako sa GMA, and thankfully natanggap naman po ako. 

“Sobrang blessed ako na napasama ako sa SPARKADA, kasi nakita ko talaga ‘yung barkada talaga na feeling, nandon lahat. Kung may problema ang isa, parang nagiging problema na ng lahat. Kaya sobrang barkadang-barkada talaga.”

Nagpapasalamat si Anjay dahil sa sobrang supportive ng kanyang parents, lalo na raw ang kanyang Indian father na si Anand Mandhyani na may blessing sa kanyang pagpasok sa showbiz.

Kaya promise ni Anjay na gagawin niya ang lahat para masuklian ang sacrifices at suporta ng kanyang parents sa pamamagitan ng pagbubuti sa kanyang trabaho.

Jeff Moses is 22-years-old at Jeff Moses Halaghay ang kanyang buong pangalan. Nakilala siya bilang Pinoy Bae sa kanyang mga uploaded videos sa Instagram, Facebook, Twitter, at Tiktok kunsaan marami siyang followers.

Kabilang din si Jeff sa dance trio ng San Carlos City, Negros Occidental na San Carlos City Boys or SCC Boys. Nabuo ang kanilang dance group noong magkaroon ng COVID-19 pandemic noong 2020 at sumikat ang kanilang dance videos sa Tiktok na umani ng libo-libong likes at views.

Bagama’t may pinu-pursue na solo showbiz career si Jeff, buo pa rin daw ang grupo ng SCC Boys at puwede silang kunin para mag-perform sa bilang back-up or front act sa mga dance concerts. 

May solo accounts naman si Jeff kunsaan karamihan ng kanyang post ay shirtless siya na kita ang sixpack abs niya at mga solo dance videos niya. 

Bilang social media star, appreciated ni Jeff ang mga positive comments at welcome din sa kanya ang mga negative comments mula sa netizens.

“Mas marami naman po ang positive kesa sa negative po. Mostly, gusto nila ang mga dance videos ko on Tiktok. Maganda raw po lahat at gusto nila ‘yung dance moves ko. 

“And na-appreciate din nila ‘yung physique ko. Pagandahin ko pa raw ang katawan ko at huwag kong pabayaan,” tawa pa ni Jeff.

Larkin was born Larkin Patrick Castor Bayarang. He’s 20-years-old and currently majoring in Computer Science and Network Information sa De La Salle University-Manila.

Kaya naman daw pagsabayin ni Larkin ang showbiz at pag-aaral niya.

“It’s very challenging na pagsabayin ang showbiz and academics, but so far, kinakaya ko naman. I really want to have a college degree.”

Thankful si Larkin na nabigyan siya ng chance na mapasama sa SPARKADA. 

“I’m so grateful and blessed na napili po ako na makasama sa SPARKADA. And I want to say thank you po kay Mr. M (Johnny Manahan) kasi nakitaan niya ako ng potensyal na deserve ko ‘to na ma-launch kasama ‘yung mga taong ito na magagaling at mahuhusay.”

Bukod sa sports na basketball at golf, hilig din ni Larkin ang music. Makikita sa social media accounts niya ang pagkanta, pagtugtog ng gitara, at pati na rin ang mga musical influences niya.

“Sa singing, I enjoy doing the songs of old musicians, like blues singer BB King. When I auditioned for Sparkle, kumanta po ako and that led me to have the chance to perform sa All-Star Sundays. But I also want to try acting and explore it.”

Sina Heart Evangelista at Bea Alonzo ang dream leading ladies ni Larkin.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency