Senator-elect Robin Padilla, handa ng makipag-debate sa plenaryo dahil nahasa na sa asawang si Mariel Rodriguez; “Sa asawa ko lang, araw-araw [ang debate], e.”

PHOTOS: @ROBINPADILLA.OFFICIAL & @MarielRodriguezPadilla810 on Instagram
Para kay Robin Padilla, 100 percent ready na daw s’ya para sa pagbubukas ng 19th Philippine Congress. “Medyo naninibago lang ako kasi summa cum laude ako sa cutting classes noong araw, e. Iba na ngayon. Ako na ngayon ang naghahanap ng gagawin,” magkahalong biro at seryosong pahayag niya.
Nakahanda na raw magsilbi sa sambayanan ang actor-turned-politician na si Robin Padilla, na uupong senador sa pagsapit ng unang araw ng July.
Ito ang sinabi n’ya nang makausap s’ya ng media sa pagpunta n’ya sa senado nitong June 13 para um-attend sa isang special briefing.
Kinumusta kasi ng press kung mahirap ba o madali nararanasan n’ya sa ginagawa n’yang paghahanda para sa bago n’yang role na gagampanan, ang maging mambabatas.
“Lahat madali. Wala namang mahirap kasi gusto mong gawin, e. Kung gusto mong gawin madali lang ’yon,” nakangiting sagot niya.
“Medyo naninibago lang ako kasi summa cum laude ako sa cutting classes noong araw, e. Iba na ngayon. Ako na ngayon ang naghahanap ng gagawin,” magkahalong biro at seryosong dagdag niya.
Tingin n’ya, 100 percent ready na daw s’ya para sa pagbubukas ng 19th Philippine Congress.
“Kung ako paupuin na nila ngayon d’yan ready na ako,” pagtitiyak n’ya.
Dahil dito ay natanong pa si Binoe kung ready na rin ba s’yang makipag-debate sa plenaryo.
Tugon ng aktor, naging training na umano n’ya ang mga naging diskusyon nila ng misis n’yang si Mariel Rodriguez sa kanilang bahay.
“Araw-araw akong nakikipag-debate. Sa asawa ko lang, araw-araw, e,” pagbibiro n’ya.
Pero kidding aside, handa daw talaga s’yang makipagbakbakan ng debate pero gagamit daw s’ya ng wikang Tagalog.
“Oo, pero [sa wikang] Tagalog. Una, hindi naman Amerikano ’yong mga kaharap ko para mag-English ako. Siguro kung Amerikano…well, I’m willing to debate. Pero mga Tagalog sila, e di, Tagalog tayo,” aniya.
Wala naman daw s’yang problema sa English language dahil nahasa na daw s’ya dito dahil sa mga anak nila ni Mariel.
“Matagal na akong nag-e-English lesson. Du’n lang sa two years old kong anak at sa four years old kong anak, nag-e-English lesson na ako,” pagbibida pa ni Robin.
Kumpiyansa rin s’ya na magagampanan n’ya nang maayos ang kanyang trabaho bilang senador. Usap-usapan na kasi na s’ya ang mamumuno sa Committee on Constitutional Amendments dahil very vocal s’ya sa pagsusulong ng Federalism.
Kaya natanong pa s’ya ng media kung hindi ba s’ya nabibigatan sa responsibilidad sakaling sa kanya nga mapunta ang nasabing senate committee.
“Mabigat ’yon kung hindi mo alam ’yong gagawin mo. Ako naman, alam ko naman ang gagawin ko. Nand’yan naman si Atty. [Demaree] Raval, nand’yan ang mga abogado na mag-ga-guide sa atin,” sagot n’ya.
“Hindi naman ako nabibigatan. Ang nabibigatan ’yong taumbayan kasi kailangan na nilang baguhin ’yong Saligang Batas,” pagtatapos ni Robin.
YOU MAY ALSO LIKE:
Rufa Mae Quinto, proud na proud sa kaibigang si Robin Padilla
Robin Padilla, sinundan ang pamilyang nagbabakasyon sa Espanya
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment