Rita Daniela, ayaw ipakilala sa publiko ang nobyo at ama ng ipinagbubuntis niya


Rita Daniela on the identity of the father of her soon-to-be baby: “He’s a private person and our relationship has always been private.”

PHOTOS: @missritadaniela on Instagram

Rita Daniela on the identity of the father of her soon-to-be baby: “He’s a private person and our relationship has always been private.”

Desisyon daw ng singer-actress na si Rita Daniela na panatilihing pribado ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na ama ng magiging anak n’ya. 

Inilahad n’ya iyan sa panayam sa kanya ni GMA reporter Nelson Canlas na ipinalabas sa 24 Oras kagabi, June 29.

Sa nasabing interview, deretsahan s’yang tinanong ni Nelson kung sino ang daddy ng dinadala n’ya pero hindi ito pinangalanan ng aktres.

“It’s my non-showbiz boyfriend, and it’s my decision not to share anything about us, about him to everybody because he’s not a showbiz personality,” sagot ni Rita. 

“He’s a private person and our relationship has always been private,” dagdag pa n’ya.

Hinintay rin daw n’ya na matapos ang kanyang first trimester bago n’ya ini-reveal na s’ya ay buntis. Gusto daw muna n’ya kasing i-enjoy ang bagong blessing na ito sa kanyang buhay privately bago n’ya ipaalam sa publiko. 

“Some things in life na ang sarap na ikaw lang muna [ang nakakaalam], ’yong tini-treasure mo ’yong blessing na ’yon. Ninanamnam mo ’yong good news,” paliwanag n’ya. 

Bagama’t wala daw sa plano ang pagbubuntis n’ya, perfect timing pa rin umano ang pag dating nito. Ito na daw kasi ang sagot sa matagal na paghahanap n’ya ng validation at pagmamahal. 

“‘Am I not enough? Was I good? Was I great?’ That has always been my struggle,” emosyonal na sabi n’ya.

“But this blessing reminded me na… no, I won’t feel that anymore because I will have someone that whatever I do, I may fail or not, but that someone will see me, he or she will love me with all of his/her heart,” pagtatapos ni Rita.

Matatandaan na naganap ang big revelation ng Kapuso star about her pregnancy sa musical variety show na All-Out Sundays nitong nakalipas na Linggo, June 26.

“I’m so, so happy and proud to say that I’m soon to be a mother. Happy mother’s day to me!” masayang anunsyo n’ya sa TV show.

Kasunod naman ng kanyang pag-amin sa TV ay ang pagbibigay n’ya ng mensahe sa kanyang upcoming baby na idinaan n’ya sa Instagram.

“My child, you came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always,” lahat ni Rita sa kanyang IG post kalakip ang series of photos n’ya and video ng kanyang pagpapa-ultrasound. 

“Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord,” pangako pa ng soon-to-be mommy. 

“I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita,” pagtatapos ni Rita. 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ken Chan, aminadong na-in love kay Rita Daniela ng 70 percent

Jeremiah Tiangco, umaming crush n’ya si Rita Daniela: “Sobrang malapit [siya] sa puso ko.”

Ken Chan, masayang katambal si Bianca Umali; RitKen tandem nila ni Rita Daniela, buwag na nga ba?

Ken Chan, “inendorso” ang dating ka-loveteam na si Rita Daniela kay Rob Gomez

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency