New college graduate Neri Miranda, ibinahagi ang sikreto ng kanyang mga achievements

PHOTOS: @nerimiranda on Instagram
Neri Miranda unlocks new achievement. Nitong June 29, nag-martsa si Neri bilang graduate sa kursong Business Administration sa University of Baguio through Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ng pamantasan.
Muling naging sentro ng inspirasyon ang actress-entrepreneur na si Neri Miranda ngayong may bago na naman s’yang achievement.
Sa edad kasi na 36 ay napagsumikapan n’yang makapagtapos sa kolehiyo sa kabila ng pagiging celebrity mom and businesswoman.
Nitong June 29, nag-martsa si Neri bilang graduate sa kursong Business Administration sa University of Baguio through Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ng pamantasan.
“GRADUATE NA AKOOOOOO!” anunsyo n’ya sa kanyang Instagram post kalakip ang photo n’ya kung saan nakasuot s’ya ng toga. Katabi n’ya sa larawan ang asawang si Chito.
Nagpasalamat s’ya sa kanyang mister na laging nakasuporta sa mga gusto n’yang maabot sa buhay.
“Natapos din! Thankful ako sa asawa kong palaging andyan for me to support me. Masaya lang siya kahit nasa gilid lang at pinapalakpakan ako sa mga achievements ko,” pagbibigay-credit n’ya sa kanyang asawa.
“Mas magaan ang buhay kapag may nag eencourage sa’yo at naniniwala sa kakayanan mo. Thank you, asawa ko. Mahal na mahal kitaaa,” sabi pa n’ya.
Nagbigay mensahe din s’ya sa kanyang followers lalo na doon sa mga gusto ring makatapos sa pag-aaral gaya n’ya.
“Sa lahat ng nakakabasa nito, kung kaya ko, mas kayo nyo. Kung wala pang budget, mag ipon ka lang,” pag-e-encourage ni Neri.
Paliwanag pa ng aktres, hindi naman daw kompetisyon o pabilisan ang makatapos sa pag-aaral kaya p’wede itong gawin on your own phase. Natagalan nga daw s’ya bago n’ya ito natapos sa dami na ring commitment n’ya bilang asawa, nanay, at negosyante.
“Iba iba man ang journey natin, yung iba mas mauuna, may male-late lang konti, meron matagal talagang dumating kagaya ng sa akin,” sey n’ya.
Nilinaw din n’yang hindi naging madali sa kanya ang journey na ito.
“Hindi naging madali sa akin lahat ha? Pero dahil palagi akong positibo na darating ang para sa akin, naghintay lang ako at habang naghihintay, ginagawa kong productive ang sarili ko. Para kapag ibinigay na ni Lord ang tamang panahon para sa akin, I AM READY,” lahad n’ya.
Ibinahagi rin n’ya ang iba pa n’yang sikreto kung paano n’ya nagagawang tuparin ang kanyang mga pangarap sa buhay.
“Kaya hahawaan ko kayo ng pagiging wais sa buhay, sa oras, sa pananaw sa buhay,” she said.
“Basta maging mabait lang sa lahat. Maging masaya sa success ng ibang tao at gawing inspirasyon to, maging fair sa lahat lalo na sa sarili mo, umiwas sa mga toxic na tao, manalig kay Lord, magtiwala sa sarili, at higit sa lahat… mag-share ng blessings,” pagtatapos ni Neri.
Matatatandaan na noong 2020 ay natapos din n’ya ang isang online program sa Harvard University, habang mina-manage ang kanilang businesses.
Congratulations, Neri!
YOU MAY ALSO LIKE:
Neri Miranda on people making fun of her business strategy: “My strategies work for me obviously…”
Neri Miranda celebrates idol Sarah Geronimo’s engagement by giving away 100 burgers
Neri Miranda gives a peek of family’s future home: a farmhouse
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment