Mo Twister at Ogie Diaz, napa-react sa panukalang batas na palitan ang pangalan ng NAIA

Photos: @djmotwister / Wikipedia / @ogie_diaz
Napa-react sa House Bill 610—which proposes na palitan ang pangalan ng NAIA at isunod ito sa pangalan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.,—ang celebrity DJ na si Mo Twister at sinabing inasahan na daw n’ya mangyayari ito sa loob ng first six months ng administrasyon ni BBM. Pero ang hindi n’ya daw inakala ay magaganap ito wala pang isang linggo ang nakakaraan. Tanong naman ni Ogie Diaz, kung papalitan din lang ay bakit hindi nalang simplehan? “Kung papalitan, ibalik na lang sa Manila International Airport kesa sumipsip.”
Nagbigay ng kani-kaniyang reaction ang mga celebrity’ng sina Mo Twister at Ogie Diaz sa panukalanang batas na naglalayong palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa House Bill 610 kasi na inihalin ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. last July 5, nag-propose s’ya na palitan ang pangalan ng NAIA at isunod ito sa pangalan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., ang ama ng bagong halal na si President Bongbong Marcos, Jr. (BBM).
“It is appropriate to rename it to the person who has contributed to the idea and execution of the said noble project. The project was done during the time of the presidency of Ferdinand Marcos, Sr.,” saad ng kongresista sa kanyang panukala.
“It is more appropriate to bear the name that has contributed and [left a] legacy in our country to make the Philippines a center of international and domestic air travel, who has instituted and built or conceptualized the project in making pride of our country,” dagdag pa n’ya.
Napa-react dito ang celebrity DJ na si Mo Twister at sinabing inasahan na daw n’ya mangyayari ito sa loob ng first six months ng administrasyon ni BBM. Pero ang hindi n’ya daw inakala ay magaganap ito wala pang isang linggo ang nakakaraan.
“Last year, I said it would likely take 6 months in a BBM administration to see movement to change the name of the airport. I said it would be inevitable but not in the first few days or months. Vanity can’t be that important,” lahad ni DJ Mo sa kanyang tweet.
“It took 6 days,” pagdidiin pa n’ya.
Last year, I said it would likely take 6 months in a BBM administration to see movement to change the name of the airport. I said it would be inevitable but not in the first few days or months. Vanity cant be that important.
It took 6 days.
— Mo Twister (@djmotwister) July 5, 2022
Nagbigay rin ng kanyang saloobin ang comedian-vlogger at talent manager na si Ogie Diaz matapos punahin ng journalist na si Mara Cepeda ang nasabing panukala.
“So, prices of food and fuel are soaring, people are hardly getting by without decent pay, farmers are still struggling to sell their harvest, there’s a spike in COVID-19 cases– and your pet bill is renaming an airport? Really, in this economy?!” tanong ni Cepeda sa kanyang Twitter post.
Ini-repost ito ni Ogie at nilakipan ng kanyang reaction kung saan sumang-ayon naman s’ya sa komento ng netizens na kung papalitan ang pangalan ng NAIA, huwag na itong isunod sa kahit na sinong presidente at ibalik na lang sa dati nitong pangalan, ang Manila International Airport o MIA.
“Kung papalitan, ibalik na lang sa Manila International Airport kesa sumipsip,” tila patama n’ya sa kanyang tweet.
Sa programa naman na “Sa Totoo Lang” ng One PH kahapon, July 6, iginiit ni Cong. Teves na walang bahid-pulitika ang pagpa-file n’ya ng House Bill 610.
“Paano ito naging pulitika? Hindi ako kakampi ni BBM noong eleksyon. Di ba, I was with Manny Pacquiao sabay sabihan ako ng pulitika?” depensa n’ya sa interview.
Nilinaw din n’ya na hindi naman urgent ang kanyang panukalang batas at hindi rin ito ang priority n’ya.
“May nagsabi na bakit ’yon daw ang priority ko. Nagkamali sila,” sabi n’ya.
“Ang una kong finile na bill was to reactivate the Bataan Nuclear Powerplant. Nauna lang siguro itong pumasok kasi may konting mali doon sa bill ko kaya una ’tong na-receive. Ang priority ko ay ’yong kuryente na mas maging mababa [ang rates]”
Nais lang daw n’yang mabigayan ng kredito ang ama ng newly-elected president na s’ya umanong nagpaganda sa nasabing paliparan.
Bukod pa rito, tawag umano ito ng panahon ngayong na-realize n’ya na wala na daw bisa ang EDSA People Power I dahil si BBM ang nanalo sa pagkapresidente nitong nagdaang halalan.
“Ngayon ko lang na-realize na wala nang bisa ’yung EDSA because if EDSA still had bisa, then the ones na pabor doon sa EDSA, sila sana ang nanalo. Bakit si BBM nanalo? Sila pa ’yong kalaban noong EDSA… I just want Filipinos to realize na magaling na presidente si Marcos [Sr.] and let’s give credits where credit is due,” pagdidiin n’ya.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment