Cristy Fermin, ipinagtanggol si Ella Cruz mula sa mga bumabatikos dahil sa kanyang “History is like chismis” statement

PHOTOS: OnePH on YouTube & @ellacruz on Instagram
“Parang ikinumpara lang naman n’ya dahil kung hindi may dinadagdag, may tinatanggal, at may bias. Ibig sabihin, hindi eksakto. ’Yon ’yon, hindi eksakto,” saad ni Cristy Fermin sa naging intindi niya sa nais ipakahulugan ni Ella Cruz sa kanyang naging kontrobersyal na “History is like chismis” statement.
Nakahanap ng kakampi ang actress-dancer na si Ella Cruz sa katauhan ng veteran showbiz writer/insider and host na si Cristy Fermin.
Dinepensahan kasi ni Manay Cristy ang aktres sa radio and online show n’yang Cristy Ferminute last July 4 mula sa mga bumabatikos dito sa paghahalintulad n’ya sa kasaysayan na para lang di umanong tsismis na may dagdag o bawas.
“May pumupuri, may namba-bash… Alam mo talaga, nakuha ni Ella Cruz ang gitna ng entablado,” saad n’ya sa ka-tandem n’ya sa programa na si Romel Chika.
“Dahil po ito sa linyang binitwan nitong nakaraang buwan. Ito po ay sa pamamagitan ng interview ng kasama natin, ang kapatid nating si MJ Marfori kung saan sinabi po ni Ella Cruz, ‘History is like chismis.’ It is filtered at may dagdag na rin. At may bias pa kaya we do not know kung ano talaga ang history,” pagpapatuloy n’ya.
Sa tingin daw n’ya ay hindi naman mali ang sinabi ni Ella sa interview nito.
“Alam mo, Romel, wala akong nakikitang masama dito. Ginagamit ko nga ’yan, e, pagka New Year’s resolution. ‘Ano ang New Year’s resolution mo?’ ‘Ay naku, it’s like history. It repeats itself.’ Di ba. ’yong mga ganu’n?” pagtatanggol n’ya.
Sinang-ayunan din n’ya ang punto ni Ella na sa kasaysayan ay meron talagang mga detalyeng inalis o kaya naman ay idinagdag.
“Ang ganda naman ng pagkakasabi ni Ella, ’di ba? Minsan may tinatanggal, minsan may idinadagdag, at depende po sa pananaw ng nagbibigay ng interpretasyon kung may bias o wala,” esplika pa ni Manay Cristy.
Say naman ni Romel Chika, ikinumpara lang naman daw ni Ella ang history sa tsismis at hindi nito diretsahang sinabi na ang history mismo ay isang tsismis lang.
“At saka, ’Nay, ang tao naman ang nagbigay ng meaning, e. Hindi nila naunawaan ’yong [statement] na ‘History is like tsismis.’ Hindi naman ‘History is tsismis.’ Iba naman ’yon,” hirit n’ya sa usapan.
Pihit naman ni Manay Cristy, ang pagsakay ng kung sino-sino sa isyu na ito ni Ella ay maituturing na early promotion para sa upcoming movie nila na Maid in Malacanang. Ilan kasi sa mga pumuna sa aktres ay ang mga kasamahan n’ya sa showbiz kabilang na ang komedyanang si Pokwang.
nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana
— marietta subong (@pokwang27) July 4, 2022
“Alam mo, maganda nga ito. Maagang promosyon ito para sa pelikula ni Direk Darryl Yap hindi pa man ipinalalabas ha… dahil si Ella ang gaganap bilang Ms. Irene Marcos,” ani Manay Cristy.
“E, kaso, s’yempre, maraming galamay ang gustong gustong pumitik, marami rin namang puso ang gustong umunawa. Depende lamang po ’yan sa interpretasyon ng nagbabasa at nakikinig.”
Agree din s’ya sa paliwanag ni Romel sa literal na kahulugan statement ni Ella.
“Hindi naman n’ya diretsong sinabi na tsismis lang ang history. ‘Ang kasaysayan, tsismis lang ’yan.’ Doon kayo magalit,” sabi n’ya.
“Parang ikinumpara lang naman n’ya dahil kung hindi may dinadagdag, may tinatanggal, at may bias. Ibig sabihin, hindi eksakto. ’Yon ’yon, hindi eksakto. Naku, ewan ko ba,” pagtatapos ni Manay Cristy.
YOU MAY ALSO LIKE:
Ella Cruz, itinuturing na “pinakamagulong parte ng buhay” niya ang high school
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment