Christopher de Leon, hindi nagpakabog sa mga stunt scenes with Ruru Madrid
Nagpapasalamat si Christopher de Leon sa mga tumatangkilik sa kinabibilangan niyang GMA primetime teleserye na Lolong.
Ikinatuwa ng multi-award-winning actor ang mataas na ratings na nakuha ng first week ng Lolong. Worth it daw ang halos na tatlong taon nilang paggawa ng naturang teleserye.
“I hope everybody enjoyed it. There’s more to come. I’m sure it’s really going to be an interesting rollercoaster ride for each and every one. Maraming salamat sa mga nag-abang at patuloy na pinapanood ang Lolong,” sey ni Boyet na gumaganap bilang Armando Banzon sa Lolong.
Sa edad na 65, sumabak si Boyet sa mga maseselang stunts sa Lolong. Sa tagal na raw niya sa industriyang ito, alam na niya ang mga techniques pagdating sa paggawa ng stunts.
“The most important thing is disiplina. Kailangan handa ka physically and mentally. And kailangan alamin mo rin ’yung mga safety precautions bago gawin ang anumang eksena.
“I know the techniques already since I’ve been in the business for so long. It’s the art of falling and all that.
“I like the discipline of the stance, the movements. It’s part of being an actor. You have to train for it. Kaya ang nangyari, nagkataon, binigyan ako ng maraming fight scenes,” sey pa niya.
In fact, nakarami rin naman siya ng pelikula kung saan nasubukan niya ang mag-action kabilang ang Alas-Dose, Bulaklak ng Maynila, Sambahin Ang Ngalan Mo, Ama Namin, Sa Aking Mga Kamay, Hiram Na Mukha, Adventures Of Gary Leon At Kuting, Gumapang Ka Sa Lusak, Ayokong Tumuntong Sa Lupa, at Cain At Abel.
This time, nasubok raw muli ang mga alam na techniques ni Boyet sa mga fight scenes dahil marami silang intense na eksena ng bida sa Lolong na si Ruru Madrid. Bagama’t aminadsong mabilis kumilos si Ruru, hindi pa rin naman daw siya nagpahuli.
“Doing a fight scene with Ruru is very challenging. This guy is fast! I have to be fast at the same time, di ba?”
“The fight scenes, I have to be on par with Ruru and the rest of the gang. Kapag sinabi ni Direk Rommel [Penesa], when the captain says do this, I do that. It’s part of my job.”
Nagkaroon din ng malaking eksena si Boyet kasama ang 22-foot animatronic crocodile na si Dakila.
“Ito ang isa sa pinaka-enjoy na eksena na nagawa ko. It was when the big crocodile named Dakila attacked Armando.
“Grabe, noong hinabol siya. Dakila was trying to eat him. and I was like shouting and shouting. We were doing the scene the whole day. I enjoyed it so much. Para kaming mga bata,” tawa pa niya.
Hindi rin daw madali ang mag-shoot ng eksena na ginagamitan ng CGI or computer-generated imagery. Kailangan daw gamitin ang iyong imagination kapag kinukunan ang mga eksena with Dakila.
“Pinakamahirap na ka-eksena is, of course, animals and babies and animatronics and CGIs,” natatawang k’wento niya. “Sa CGI, wala kang nakikita but you have to act it out like somebody is eating you, like a monster is eating you. Talagang mahirap but you have to use your imagination.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment