6 father-centered movies you can view on Vivamax this Father’s Day

Dito sa ating bansa, isang big celebration ang Father’s Day kunsaan nagkakasama-sama ang buong pamilya. At ano pa ang mas magandang gawin on Father’s Day kundi ang manood ng ilang mga pelikula tungkol sa iba’t ibang klase ng mga ama. Naglista kami ng ilang paternal-themed movies na puwede n’yong mapanood sa Vivamax ngayong weekend gaya ng Pinagbiyak na Bunga: Lookalayk (1994); Hindi Ako Ander, Itanong mo Kay Kumander (1996), Little Boy, Big Boy (2009),at marami pang iba.
Ang Father’s Day ay isang holiday na nagbibigay-pugay sa pagiging ama ng maraming kalalakihan sa buong mundo.
Originally, March 19 sine-celebrate ang Father’s Day, na Saint Joseph’s Day sa ilang Catholic countries sa Europe noong Middle Ages. Pero sa United States, ang Father’s Day ay unang ginanap sa third Sunday of June noong 1910 by Sonora Smart Dodd.
Sa iba’t ibang bansa, magkakaiba ang date ng pag-celebrate ng Father’s Day. Pero ang importante ay kahit na anong tradisyon pa meron ang isang bansa, ang pagkilala sa isang ama ang laging nagiging sentro ng selebrasyon.
Dito sa ating bansa, isang big celebration ang Father’s Day kunsaan nagkakasama-sama ang buong pamilya. At ano pa ang mas magandang gawin on Father’s Day kundi ang manood ng ilang mga pelikula tungkol sa iba’t ibang klase ng mga ama.
Naglista kami ng ilang paternal-themed movies na puwede n’yong mapanood sa Vivamax.
PINAGBIYAK NA BUNGA: LOOKALAYK (1994)
Ito ang pagbabalik sa paggawa ng comedy movies ni Chiquito na gumanap bilang si Berto na aksidenteng nakilala si Urot na ginampanan naman ni Andrew E.
Dahil sa malaking pagkakahawig nila, hindi nila matanggal sa kanilang isipan na sila ay tunay na mag-ama.
Pinasok nila ang kung anu-anong klaseng trabaho para mabuhay hanggang sa makilala nila si Dorie (Nida Blanca) na siyang naging dahilan para mabunyag ang katotohanan kina Berto at Urot.
https://www.vivamax.net/play/trailer/T97654/movie
HINDI AKO ANDER, ITANONG MO KAY KUMANDER (1996)
Ang comedy movie na ito ay nagtampok sa mag-asawang Janno Gibbs at Bing Loyzaga, kasama pa ang panganay nilang si Alyssa Gibbs. Trying to make ends meet ang mag-asawang Tomas at Cindy. Kahit na galing sa de buena familia si Cindy, hindi ito humihingi ng suporta mula sa kanyang inang si Donya Luisa (Pilita Corrales).
Nagkaroon ng conflict ang mag-asawa nung umasenso sa kanyang trabaho si Cindy at naging househusband na lang si Tomas.
https://www.vivamax.net/play/trailer/T96911/movie
LITTLE BOY, BIG BOY (2009)
Isang gay film tungkol sa isang carefree graphic artist na si Raymund (Paolo Rivero) na biglang inako ang responsibilidad na maging ama sa kanyang pitong taong gulang na pamangkin na si Zach (Renz Valerio). Sa gitna nang pagkakaroon niya ng maayos na relasyon sa kanyang pamangkin, nakilala niya ang kapitbahay niyang si Tim (Douglas Robinson) na nakarelasyon niya at tumayo na ring ikalawang ama ni Zach.
https://www.vivamax.net/play/trailer/T97695/movie
PALABRA DE HONOR (1983)
Isang all-star cast film na pinangungunahan ni Eddie Garcia bilang si Don Adolfo, ang millionaire patriach na siksik sa yaman at kapangyarihan pero hindi siya marunong bumali sa kanyang binitawan na pangako sa isang babaeng pakakasalan niya.
Tampok din dito sina Elizabeth Oropesa, Amy Austria, Beth Bautista, Mark Gil, Ronaldo Valdez, Tommy Abuel, Jackie Lou Blanco at Gloria Diaz.
https://www.vivamax.net/play/trailer/T97657/movie
KAPAG PUSO’Y SINUGATAN (1985)
Kuwento ng isang ama na si Ramon (Christopher de Leon) na matagal na nawalay sa kanyang anak na si Luigi (Jaypee de Guzman). Nakiusap ang ina nitong si Patricia (Hilda Koronel) na maging ama ito sa kanilang anak pagkatapos itong ma-diagnose na may malubhang sakit. Hindi ito alam ng kinakasama ni Ramon na si Mariel (Rio Locsin) na nagduda na sa lagi nitong pag-alis ng kanilang bahay.
https://www.vivamax.net/play/trailer/T98296/movie
MULING BUKSAN ANG PUSO (1985)
Si Jim (Dindo Fernando) ay isang successful na pediatrician, pero hindi sila magkaroon ng anak ni Meding (Coney Reyes) dahil sa karandaman nito sa puso. Pumasok sa eksena si Cristy (Vilma Santos) at pinaramdam niya kay Jim na gusto niya ito at handa niyang bigyan ito ng anak at maging other woman niya.
Nagsakripisyo si Meding na mabuntis kahit delikado sa kanya. Hati ngayon ang atensyon ni Jim sa dalawang babae sa buhay niya. Kasama rin sa pelikula sina Lorna Tolentino, Sandy Andolong, Rowell Santiago, Rose Ann Gonzales at Gladys Reyes.
https://www.vivamax.net/play/trailer/C00041/movie
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment